26,274 total views
Hinimok ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila ang mamamayang Pilipino na ipadama ang habag sa kapwa sa mga nangangailangan.
Ito ay sa pakikiisa sa Caritas Manila Alay Kapwa telethon na live mapapakinggan sa Radio Veritas 846 sa ika-25 ng Marso, 2024 mula ala-siete ng umaga hanggang ala-sais ng gabi.
Umaasa ang oangulo ng Radio Veritas na tugunan ng mga may kaya sa buhay ang pangangailangan ng mga maralita.
Inihayag ni Fr.Pascual na ang pagiging mabutibg Samaritano ay pinagpapala ng panginoon.
“Mga kapanalig, bukas po ay Semana Santa na, at ang ating Holy Monday ay idineklara po nating Alay-kapwa Telethon para sa Radio Veritas buong araw po na itataas natin ang ating kamalayan sa kahalagahan ng pagtulong sa mga biktima ng kalamidad lalung-lalu na ginagawa ng tao at gawa ng kalikasan,” paalala ni Fr.Pascual
Ayon pa sa Pari, ang mga natatanggap na donasyon ay ibinabahagu ng Caritas Manila – Damayan Program sa mga Diyosesis na naapektuhan ng bagyo o iba pang uri ng kalamidad sa loob ng 24 hanggang 48-oras.
Kabilang pa sa mga pinaglalaanan ng pondo ay ang pagpapakain ng sapat na nutrisyon sa mga batang biktima ng malnutrisyon, pagpapaaral sa mga kapos-palad na estudyante at pagbibigay ng kabuhayan sa mga mahihirap.
“Ang pondo pong ito na ating iaabuloy ay itutulong natin sa Caritas Manila DAmayan Program, tumutugon sa mga biktima ng kalamidad within 24 to 48hrs upang maibasan ang paghihirap ng mga biktima ng kalamidad, salamat po sa inyong pagbibigay abuloy at pagpalain kayo ng Diyos, siksik liglig at umaapat ngayong Semana Santa,” pahatag ng pari
Ibinabahagi at ioinapakuta din sa Caritas Manila Alay-kapwa Telethon 2024 at ibat-ibang prigrama ng social arm ng Archdiocese para ihaon sa kahirapan ang mga mahihirap na Pilipino.