355 total views
Magsasagawa ang Radio Veritas at Caritas Manila ng Caritas Damayan Telethon para sa mga biktima ng Super Typhoon Odette.
Hinihikayat ang mga Kapanalig at mananampalataya na makibahagi sa pagtulong sa mga higit na apektado ng bagyo sa buong Visayas at Mindanao.
Isasagawa ang Caritas Manila Telethon for Typhoon Odette bukas, ika-20 ng Disyembre 2021 mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-sais ng gabi.
Batay sa pinakahuling ulat, nasa mahigit 300-libong indibidwal ang mga nagsilikas at nananatili sa mga parokya at ibang evacuation centers habang naitala naman sa 75-katao ang nasawi dulot ng bagyo.
Bilang paunang tulong ay naglaan na ng P2.5-milyon ang Caritas Manila para sa mga diyosesis na labis na napinsala ng super typhoon o tig-500-libong piso para sa Diyosesis ng Surigao, Tagbilaran, Cebu, Talibon, at Maasin
Ang telethon ay mapapakinggan sa Radio Veritas 846AM at mapapanood sa DZRV 846 facebook page at Veritas TV sa Skycable channel 211.
Ang malilikom na pondo sa telethon ay ipapadala ng Caritas Manila sa mga higit na apektado ng bagyo upang muling makabangon sa dinanas na sakuna.
Sa mga nais magbahagi ng kanilang tulong-pinansyal, maaari lamang tumawag sa 8925-7931 hanggang 39 o mag-text sa 0918-837-4827 o 0918-VERITAS.