2,706 total views
Hinimok ni Capiz Arcbishop Victor Bendico ang mga mananampalataya na makiisa sa paggunita sa Laudato Si’ Week 2023.
Ayon kay Archbishop Bendico na sa diwa ng synodality, sama-sama nawang sikapin ng bawat isa na unawain ang mga nilalaman ng ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco na maaaring maging kasangkapan tungo sa kaharian ng Diyos.
Sinabi ng Arsobispo na bagamat magkakaugnay ang lahat ng nilikha ng Diyos, tungkulin ng tao ang maging mabuting katiwala ng kalikasan kaya dapat isantabi ang pagiging makasarili na nakapipinsala sa ating nag-iisang tahanan.
“He continues to create until now through the produce of the lands and the seas. Aside from us, other creatures have also their joys which should not be taken away from them. Let us put aside our human greed and selfishness and be concerned with our common home. For we are all interconnected,” mensahe ni Bishop Bendico mula sa panayam ng Radyo Veritas.
Binigyang diin ni Archbishop Bendico na nais ibahagi ng Santo Papa sa kanyang ensiklikal na ang lahat ay nilikha nang Diyos na pantay-pantay.
Gayunman, nangangahulugan ito na dapat ipakita ng tao ang pagmamalasakit at pangangalaga sa mga likas na yaman, sa halip na pairalin ang kasakiman na lubha ring nakakaapekto sa kapwa.
“Hence, let us take care of this earth for then, we are also taking care of ourselves, our children and grandchildren,” saad ni Archbishop Bendico.
Una nang hinimok ni Archbishop Bendico sa pamamagitan ng circular letter ang mga pari, consecrated person, at layko ng arkidiyosesis upang makiisa sa paggunita sa ikawalong anibesaryo ng pagkakalathala sa Laudato Si’ ni Pope Francis.
Kaugnay nito, pangungunahan ng Arsobispo ang Banal na Misa sa ika-30 ng Mayo, ganap na alas-5:30 ng hapon sa Immaculate Conception Metropolitan Cathedral, Roxas City.
Ipagdiriwang ang Laudato Si’ Week 2023 mula May 21-28 na may temang “Hope for the Earth, Hope for Humanity”.