Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, hinimok na makiisa sa rosary fluvial procession para sa kapayapaan

SHARE THE TRUTH

 27,844 total views

Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea.

Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan ng bansa.

“I am grateful for the heartwarming response to our appeal to pray the rosary starting June 27 until August 15 for peace in our country especially on the West Philippine Sea which is west of our dear Pangasinan province. A nation at prayer is a nation at peace.” pahayag ni Archbishop Villegas.

Bilang higit na pagpapaigting sa pagtugon ng Simbahan sa kasalukuyang suliraning pang-soberenya ng bansa ay magsasagawa ng Rosary Fluvial Procession ang Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan sa ika-16 ng Hulyo, 2024 kasabay ng Memorial of Our Lady of Mount Carmel.

Magsisimula ang Rosary Fluvial Procession sa Barangay Cato, Infanta, Pangasinan matapos ang banal na misa na susundan ng pananalangin ng Santo Rosaryo at paglalayag ng mga makikibahagi sa Rosary Fluvial Procession.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na bukod sa santo rosaryo ay lulan din ng mga bangkang makikibahagi sa Rosary Fluvial Procession ang imahen ng Mahal na Birheng Maria upang ganap na ipagkatiwala ang pagbibigay proteksyon sa bansa dulot ng tensyon sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea.

“On July 16, 2024, Memorial of Our Lady of Mount Carmel, we will hold a rosary fluvial procession starting from Barangay Cato, Infanta, Pangasinan. After the 6:00am Mass by the sea coast, we will pray the rosary on the shore while a few of our boat riding brothers and sisters will sail offshore praying the rosary too, each boat carrying a venerated image of Our Lady. We will also install prayer banners on which are printed the image of Our Lady to float over the sea as an act of entrustment and gesture of trust in her loving protection.” Dagdag pa ni Archbishop Villegas.

Inihayag ng Arsobispo na bagamat hindi makakasama ang lahat sa fluvial rosary procession ay maari pa ding makibahagi sa nasabing gawain ang bawat isa sa pamamagitan ng spiritual unity o pakikiisa sa pananalangin ng Santo Rosaryo sa ika-16 ng Hulyo, 2024 ganap na alas-syete y medya ng umaga.

“I am inviting the Catholic faithful and priests of our archdiocese to join the fluvial rosary procession. You can also show your spiritual unity with those in Infanta by praying the rosary wherever you may be at around 7:30am on July 16, if you are unable to join personally.” Ayon pa kay Archbishop Villegas.

Nilinaw naman ng Arsobispo na ang intensyon sa pananalangin sa nakatakdang fluvial rosary procession ay hindi lamang para sa kapakanan ng Pilipinas at ng mga Pilipino kundi maging para sa China.

Ayon kay Archbishop Villegas, “We will pray for both China and the Philippines. We will pray not just for protection from conflict but to make all of us, Chinese and Filipinos together, as peacemakers. Beyond human ideologies and political parties, the peoples of China and the Philippines belong to the same human family.”

Una ng inihayag ni Archbishop Villegas na ang pag-usal ng Santo Rosaryo ay maituturing na pambihirang paraan upang manalangin at ganap na maipaabot ng bawat isa ang mga hinaing, pasasalamat, at pagsusumamo sa Panginoon.

Nagsimula ang 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa West Philippines Sea noong ika-27 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo at magtatapos sa ika-15 ng Agosto, 2024 kasabay ng Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 2,229 total views

 2,229 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 9,352 total views

 9,352 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 16,555 total views

 16,555 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 21,909 total views

 21,909 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 29,515 total views

 29,515 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Paghubog sa katapatan ng mga botante, prayoridad ng PPCRV

 106 total views

 106 total views Naniniwala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na bukod sa pagtiyak ng katapatan ng sistema ng halalan sa bansa ay mahalaga ring tutukan ang paghuhubog sa katapatan ng mismong mga botante. Ito ang binigyang diin ni PPCRV Executive Director Jude Liao kaugnay sa patuloy na suliranin ng vote buying at vote

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TIBOK PINOY, ilulunsad ng PPCRV

 556 total views

 556 total views Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagsasakatuparan sa mandato bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas. Ito ang ibinahagi ni PPCRV Media and Communications Director Ana De Villa Singson sa puspusang paghahanda ng PPCRV sa nalalapit na 2025 Midterm

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pag-amyenda sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act, suportado ng CHR

 589 total views

 589 total views Supotado ng Commission on Human Rights ang panukalang pagpapalawig sa Emergency Repatriation Fund (ERF) sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act (RA) No. 8042 o mas kilala bilang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act. Nakapaloob sa House Bill 09388 na inihain ni OFW Partylist Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang pagbibigay ng awtoridad

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center, pinarangalan ng Ateneo de Manila University

 2,027 total views

 2,027 total views Kinilala ng Ateneo de Manila University si Divine Word missionary priest Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD bilang isa sa mga awardee ng 2024 Traditional University Awards. Igagawad kay Fr. Villanueva ang ‘Bukas Palad Award’ bilang pagkilala sa pambihirang misyon at adbokasiya ng Pari sa pagtulong sa mga palaboy sa Maynila at sa mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

20 dambana at simbahan, itinalagang Jubilee churches ng Archdiocese of Manila

 6,724 total views

 6,724 total views Umabot sa mahigit 20 mga simbahan at dambana sa Arkidiyosesis ng Maynila ang itinalagang Jubilee Churches ng arkidiyosesis para sa nakatakdang Ordinary Jubilee of the Year 2025. Ayon sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, mahalagang samantalahin ng mga mananampalataya ang biyayang hatid ng pananalangin at pagbisita sa mga itinalagang jubilee churches

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Samantalahin ang pagsibol ng katotohanan.

 7,382 total views

 7,382 total views Ito ang panawagan ni Arnold Janssen Kalinga Foundation founder Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD para sa mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas(Philippine National Police) sa ibinunyag ni Police Lt. Col. Jovie Espenido na pagpapatupad ng quota at reward system sa marahas na implementasyon ng laban kontra illegal na droga ng administrasyong Duterte.

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

11-Diocesan Council of the Laity, magsasama-sama sa Conference on Prayer

 6,613 total views

 6,613 total views Umaasa ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na maging makabuluhan at epektibo ang nakatakdang Conference on Prayer ng Ecclesiastical Province of Manila upang maihanda ang bawat layko sa Jubilee sa 2025. Ayon kay LAIKO National President Bro. Francisco Xavier Padilla, layunin ng pagtitipon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

No one is above the law

 9,260 total views

 9,260 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na walang sinuman ang mas nakahihigit o nakatataas sa batas. Ito ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines kaugnay sa sitwasyon sa Davao City dulot ng patuloy na paghahanap ng mga pulis kay Kingdom

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mga bayaning Pilipino, dapat ipagmalaki at bigyang pagkilala

 8,699 total views

 8,699 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na naangkop lamang na patuloy na alalahanin at bigyang pagkilala ang pagsasakripisyo at pag-aalay ng buhay ng mga bayani ng bansa. Ito ang ibinahagi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations between Bishops and Consecrated Persons

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Huwag kalimutan si Ninoy

 14,245 total views

 14,245 total views Hinimok ni 1987 Constitutional Framer Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang mga aral na dulot ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Ito ang pahayag ng Obispo sa paggunita ng ika-41 anibersaryo ng pagkamatay ng dating mambabatas at national hero ng bansa. Ayon kay Bishop Bacani, mahalagang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Anti-political dynasty group, ilulunsad

 14,428 total views

 14,428 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na naaangkop lamang na makibahagi ang Simbahan sa mahahalagang usaping panlipunan na makakaapekto sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino. Ito ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace kaugnay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Cubao, nakiisa sa Quezon City Day

 13,971 total views

 13,971 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Diyosesis ng Cubao sa paggunita ng Quezon City sa ika-146 na taong kapanganakan ng tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” na si dating Pangulong Manuel Luis Quezon. Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco,naangkop na patuloy na alalahanin at kilalanin ang mahalaga at natatanging kontribusyon ni dating Pangulong Quezon sa pagpapatatag

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Patuloy na pananalangin para sa kapayapaan, panawagan sa mananampalataya

 15,291 total views

 15,291 total views Nanawagan ang dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng patuloy na pananalangin para sa kapakanan at kabutihan ng bansa. Ito ay kaugnay na rin sa pagtatapos ng 50-Day Rosary Campaign for Peace, bilang panalangin ng sambayanan sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa West Philippine Sea. Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Caceres at Naga-LGU, lumagda sa kasunduan

 16,638 total views

 16,638 total views Opisyal na lumagda sa kasunduan ang pamunuan ng Archdiocese of Caceres at lokal na pamahalaan ng Naga City para sa paghahahanda sa nalalapit na paggunita ng Peñafrancia 2024. Pinangunahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang naganap na Peñafrancia 2024 Multi-agency Cooperation Group Memorandum of Agreement signing and meeting na dinaluhan ng mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Human rights violations, talamak pa rin sa Pilipinas

 19,354 total views

 19,354 total views Napapanahon pa rin ang misyon ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) makalipas maitatag 50-taon noong panahon ng batas militar sa ilalim ng rehimeng Marcos Sr. Aminado si TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm., na isang kabalintunan ang pagdiriwang ng isang human rights organization ng ika-50 anibersaryo dahil nangangahulugan ito ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top