31,135 total views
Hinimok ng Caritas Manila ang mamamayan na tangkilikin ang mga Segunada Mana Stores sa pagsisimula ng panahon ng kapaskuhan.
Bukod sa mga murang second-hands items na mabibiki sa mga Segunda Mana outlets ay nailalaan ang kita nito sa mga programa ng Caritas Manila partikular na sa pagpapaaral, pagpapakain at pagbibigay ng hanapbuhay sa mga mahihirap.
“With every purchase you make, you help our YSLEP scholars finish college and lift their families out of poverty, Segunda Mana is Caritas Manila’s donated goods program that funds the education of poor and deserving youths nationwide under the Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP),” ayon sa mensahe ng pamunuan ng Segunda Mana.
Sa buong Pilipinas ay umaabot na sa 40 ang bilang ng mga pangunahing Segunda Mana Stores, 10 dito ay mga parish kiosk at apat naman ang bahagi ng mga long term bazzar.
Sa Metro Manila, maaring matatagpuan ang mga Segunada Mana Outlets sa Caritas Manila Compound sa Pandacan Manila, Riverbanks Center Marikini city, Makati Square, Starmall Mall Shaw Boulevard, Isettan sa Recto Manila at sa Santa Lucia East Grand Mall naman sa Cainta Rizal.
Sa tala, sa pagitan ng 2008 hanggang 2019 ay umabot sa 329-milyong piso ang pondong nalikom ng mga Segunda Mana Outlets na bukod sa YSLEP Program ay nailaan rin sa mga programa ng pagpapakain sa mga mahihirap at malnourished na bata.