800 total views
Inaanyayahan ng Economy of Francesco Movement ang mga mamamayan na makiisa sa EOF School 2025 na magsisimula sa February 17.
Sa libreng online private conference ay ituturo ang ibat-ibang paksa sa pagsusulong ng ekonomiya na nakatuon sa pangangalaga ng kalikasan, kapayapaan at pagpapaunlad sa buhay ng mga mahihirap sa lipunan.
Magsisimula ito sa February 17, alasingko ng hapon Central European Time kung saan ang mga nais makibahagi ay maaring magpatala sa official website ng Economy of Francesco Foundation (https://francescoeconomy.org/).
Gagamitin din ng Online School ang Ingles bilang pangunahing wika upang mas maraming bansa ang maabot ng ituturo ng gawain.
2024 nang simulan ng EOF Foundation ang pagsusulong ng kapayapaan sa lipunan at matigil na mga sigalot sa ibat-ibang ng mundo.
Sa datos ng Interional Monetary Fund, umaabot na sa 700-million ang bilang ng mga indibidwal sa ibat-ibang bahagi ng mundo ang lugmok sa kahirapan dahil sa pag-iral ng mga suliranin na katulad ng COVID-19 Pandemic, digmaan o iba pang uri ng sigalot.