4,147 total views
Inaanyayahan ng Manila Cathedral at Jesuit Communications ang mananampalataya na makiisa sa 9th Pipe Organ Concert sa October 13.
Ayon kay Jesuit Music Ministry, Director Lester Mendiola ito ang pagkakataong magbuklod ang mananampalataya sa pagninilay sa pamamagitan ng mga awitin kasama ang mga lingkod ng simbahan.
“The program is designed to give the congregation a space to listen and feel God’s constant presence through the guidance of diocesean priests. Across the reflections are songs carefully chosen to accompany the concert’s journey of love, healing, and mission.” bahagi ng pahayag ni Mendiola sa Radio Veritas.
Tema ng konsiyerto ngayong taon ang ‘Our Hearts, Healed and Heard. A night of reflection, music, and thanksgiving’ na isasagawa sa Minor Basilica of the Immaculate Conception, Manila Metropolitan Cathedral ganap na alas otso ng gabi.
Tampok sa Pipe Organ concert ngayong taon ang Manila Cathedral Basilica Choir kasama ang Young Voices of the Philippines, Kammerchor Manila, Mike Shimamoto, at Lara Maigue sa saliw ng Musica Chiesa.
Makiisa rin sa pagtatanghal sina of Fr Carmelo “Jek” Arada, Fr Joselito “Jojo” Buenafe, Fr Carlo Magno Marcelo, at Alumni Priests ng San Carlos Seminary.
Ang Pipe Organ Festival ay taunang gawain ng Manila Cathedral na sinimlan noong 2006 upang itampok ang pinakamalaking pipe organ sa bansa.
Nagtagal ito hanggang 2012 nang isara sa publiko ang Manila Cathedral para sa pagsasaayos at muling isinagawa noong 2014 hanggang 2018.
Maaring makanuod ng libre sa nasabing pagtatanghal makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng Manila Cathedral at Tanging Yaman Store ng Jesuit Communications para sa detalye at tickets.