16,608 total views
Hinikayat ng mga Obispo ang mamamayan na suportahan ang Alay-Kapwa programs.
Ito ay upang makalikom ng sapat na pondo ang Alay-kapwa programs ng simbahang katolika na gagamitin upang matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap.
Ngayong araw ng pasko ay isinapubliko ng Caritas Philippines ang video message ng pakikiisa sa alay kapwa ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Bangued Bishop Leopoldo Jaucian, Novaliches Bishop Roberto Gaa, Digos Bishop Guillermo Afable, Daet Bishop Rex Andrew Alarcon at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza.
“”This Christmas, let’s bring the love of Christ to many Filipino Families by sharing whatever we can to Alay-Kapwa, anuman ang kaya, biyaya sa iba, ito ang aking alay-kapwa. Merry Christmas! and a Happy New Year,” ayon sa pinagsama-samang mensahe ng mga obispo.
Ang panawagan ay kasunod ng pagpapalawig ng Caritas Philippines sa Alay Kapwa Extended Campaign na nakatuon sa pitong programa na pagtugon sa kalamidad; kalusugan, edukasyon: pangkabuhayan; kalikasan; katarungang panlipunan at kapayaapan; at kasanayan.
Sa programa ay inaanyayahan ang mga mananampalataya na maging regular donors sa kanilang mga kinabibilangan na diyosesis kung saan maari lamang magbahagi ng 42-piso kada buwan na katumbas ng 500-piso kada taon upang maging bahagi ng Alay Kapwa Extended Program.