Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, hinimok ng Obispo na ipagdasal ang China na ihinto na patuloy na paniniil sa WPS

SHARE THE TRUTH

 15,969 total views

Muling umapela si San Fernando La Union Bishop Daniel Presto na magkaisa ang mga Pilipino upang mapalakas ang panawagan sa China na itigil na ang paniniil sa West Philippine Sea.

Ayon sa Obispo, nararapat ng matigil ang China sa pagtataboy, pagkuha ng mga suplay, ilegal na pangingisda, at paniniil sa mga Pilipinong nangingisda at nagpapatrolya sa teritoryong pagmamaya-ari ng Pilipinas.

Ayon kay Bishop Presto, sa tulong ng pagkakaisa at sama-samang pananalangin ay tiyak na maririnig ng Panginoon ang mga panalangin na mapalaya na ang Pilipinas mula sa paniniil ng China.

“Alam natin na nariyan ang challenge sa Philippine Sea, sa West Philippine Sea, alam natin na marami ang mga kababayan natin na mangingisda na hindi makapangisda dahil nga sa issue, sa usapin diyan sa West Philippine Sea, kaya nga ating maipagdasal na nawa ay makamit natin ang kasarinlan diyan sa dagat na kinabibilangan ng atin na kasama sa ating Inang Bayan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Presto.

Magugunita na bunsod sa paniniil ng China, marami sa mga Pilipinong mangingisda ang hindi makapaglayag sa West Philippine Sea dahil sa pangamba ng harassment na maaring gawin ng China sa kanilang mga sasakyang pangdagat.

Patuloy din ang pakikiisa, pananalangin at pagdaraos ng mga pagkilos ni Running Priest Fr.Robert Reyes ng Diyosesis ng Cubao upang mapalalim ang kaalaman ng mga Pilipino at mapaigting ang kampanya upang ipananalangin na itigil na ng China ang paniniil sa teritoryong pagmamay-ari ng Pilipinas.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 3,876 total views

 3,876 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 22,608 total views

 22,608 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 39,195 total views

 39,195 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 40,523 total views

 40,523 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 47,974 total views

 47,974 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 1,955 total views

 1,955 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

 9,185 total views

 9,185 total views Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top