865 total views
Nanawagan si Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa mamamayan na labanan ang pagkalat ng fake news at iba pang kasinungalingan gamit ang media at iba pang social media platform.
Ito ang mensahe ng Obispo sa paggunita ng 58th World Day of Social Communications sa May 12 na itinalaga ng Holy See sa temang “Artificial Intelligence and The Wisdom of The Heart: Towards Fully Human Communication,”.
Umaasa ang Obispo na katulad ni Hesus ay maipagpatuloy ng sangkatauhan ang pakikipag-komunikasyon sa kapwa upang maipadama at maisulong ang mabubuting adhikain sa lipunan.
“As we celebrate world communications day we are reminded that God is the greatest communicator, He expressed His love in a concrete way through His Son Jesus, He communicates also through His creation and our fellowmen, all communications should lead us to truth and to restore man’s dignity and the original beauty of creation.Let us combat all lies and fake news by proclaiming the truth,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.
Hinimok ni Bishop Ongtioco ang mga kabataan, mamamayan at iba pang lingkod ng simbahan na gamitin ang komunikasyon upang maisulong ang dignidad ng kapwa at pahalagahan ang mga nilikha ng Panginoon.
Kaugnay ng World Social Communications Sunday, hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Social Communication ang mamamayan na pinaigtingin na pag-iingat sa paggamit ng Artificial Intellegence (AI) Technology sa lipunan.
Ayon sa Chairman ng komisyon na si Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit, ito ay upang magkaroon ng kamalayanan at kaalaman ang mga gumagamit nito sa pagkakaiba ng mga likha na gawa ng tao ay may mga totoong impormasyon kumpara sa AI.