11,129 total views
Inaanyayahan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ang publiko lalu ang mga estudyante na bisitahin ang ‘Belenismo sa Pamantasan’ exhibit ngayong adbyento.
Pormal na binuksan sa publiko ang libreng exhibit sa Corazon Aquino Building lobby ng pamantasan sa Intramuros Maynila.
Ayon kay PLM President Atty. Domingo ‘Sonny’ Reyes, tampok sa exhibit ang kanyang personal na koleksyon simula pa noong 2010 sa pagbisita niya sa ibat-ibang lugar at bansa.
Maari ding magbahagi ng anumang makakayanang donasyon sa exhibit kung saan ang malilikom na halaga ay ihahandog ng PLM sa mapipiling benepisyaryo.
“So sana yung public, if you would be able to hear me, sana please support our simple exhibit and if they could share a little bit for Christmas, malaki po ang magagawa niyan for charity works, for the good work of PLM kasi while we are asking for help, we are also open to helping other yun naman ang message,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Reyes.
Sinabi ni Reyes na layunin ng Belen exhibit na ilapit ang mga kabataan at mamamayan sa tunay na diwa ng Pasko na kapanganakan ni Hesus sa lupa.
” I hope with this simple exhibit that we have, hindi naman siya ganon ka-grandeur na parang museum talaga, so kahit papano people will look back where it all started in a simple manger or siyempre si Jesus Christ ang sentro ng celebration, not the christmas tree, not the santa claus, not the gifts kasi masyado ng commercial, that it is Jesus, the simplicity of how he came to this world, so yun lang, yun ang gusto kong ibalik lagi lalo na sa mga kabataan, the students kasi I remember during my time in our school we would held really a Nativity Contest, consist only of mga retaso pagandahan kasi nandon yung spirit sana maibalik natin yon,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Reyes.