416 total views
Hinihikayat ng Diocese of Kidapawan ang mga mananampalataya na maagang bumisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay bago ang Araw ng mga Patay.
Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, national director ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines, alinsunod sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay naglabas siya ng isang circular na nag-aatas ng mga karagdagang misa para sa mga kaluluwa sa lahat ng Simbahan sa a-uno at a-dos ng Nobyembre.
Inihayag ng Obispo na maaari ring makibahagi ang mga mananamapalataya sa gagawing banal na liturhiya sa pamamagitan ng pagsubaybay sa live streaming ng iba’t-ibang Simbahan.
“The province of Cotabato where Kidapawan Diocese is located has issued No visits on November 1 & 2 in all cemeteries. Our local church has sent circular encouraging all faithful to make their visits to the cemeteries October 1 – 31 and additional masses for the departed souls are scheduled in all churches on November 1 & 2. Live stream masses are also scheduled on November 1 & 2.”pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam sa Radio Veritas.
Umaasa at ipinagdarasal ni Bishop Bagaforo na maisasabuhay ng bawat isa ang pag-alay ng panalangin sa ikapayapa ng kaluluwa ng mga mahal sa buhay sa kabila ng ipinapatupad na mga limitasyon dahil sa pag-iingat sa COVID-19.
“Included in our circular is our panawagan na mag-alay ng pamisa para sa kanilang dear departed from October 1 – 31 in any of our masses in the parish churches.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Naunang hinimok ni Bishop Broderick Pabillo,Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila at Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang mananampalataya na pumunta sa mga simbahan at makiisa sa banal na misa sa November 1 at 2.
Read: https://www.veritas846.ph/mananampalataya-pinag-iingat-sa-nag-aalok-ng-fake-religious-services-at-rites/
https://www.veritas846.ph/cremated-remains-babasbasan-ng-archdiocese-of-manila/
Sa katuruan ng Simbahang Katolika iniaalay ang buong buwan ng Nobyembre upang ipanalangin ang kaluluwa sa purgatoryo bilang isang debosyon na nakapagbibigay indulhensya.