1,305 total views
Hiniling ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mamamayan na suportahan ang mga programa ng Papal charity, Aid to the Church in Need na tumutulong sa mga inuusig na Kristiyano.
Ito ang paanyaya ng Cardinal sa paggunita ng Red Wednesday campaign sa November 23, 2022.
Apela ng Arsobispo sa mga simbahan na ilawan ang paligid ng kulay pula bilang pakikiisa sa programa at pag-alala sa mga inuusig dahil sa pananampalataya.
“Tomorrow November 23 is RED WEDNESDAY. I ask that the facade of churches and institutions be lighted with red and support the projects of ACN by the second collection in all Masses,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.
Batid ni Cardinal Advincula na bagamat kinakalinga ng Panginoon ang mga nanindigan sa pananampalataya mahalagang ipakita ng bawat isa ang pagmamalasakit.
“Let us pray for our brothers and sisters who are persecuted. Let us spread d word about their difficulties and painful experiences,” ani ng Cardinal.
Tema ng Red Wednesday campaign ngayong taon ang ‘Blessed are the Persecuted’ na layong paigtingin ang kampanyang ipanalangin ang bawat Kristiyanong nakararanas ng karahasan sa buong mundo.
2016 nang sinimulan ng ACN ang kampanya sa United Kingdom upang kilalanin ang mga martir na nanindigan para sa Kristiyanismo habang 2017 itong isinagawa sa Pilipinas at 2020 nang inapruban ng CBCP and pag-institutionalize ng kampanya.
Ayon sa pag-aaral ng Open Doors USA nasa 360-milyong Kristiyano ang naninirahan sa mga bansang marami ang pang uusig sa mananampalataya.
Mahigit limang libo ang pinaslang, Humigit kumulang anim na libo ang ang ikinulong, apat na libo ang dinukot at mahigit limang libong bahay dalanginan ang napinsala.
Tiniyak ng simbahan sa Pilipinas ang pakikiisa sa bawat inuusig na Kristiyano at dalangin ang katatagan at kaligtasan ng bawat isa sa tulong at gabay ng Panginoon.