362 total views
Inaanyayahan ng Church People-Workers Solidarity (CWS) ang lahat na makibahagi sa isang On-line Forum na inihanda ng grupo katuwang ang Iglesia Filipina Independiente (IFI) bilang paggunita sa International Workers’ Day sa Mayo-a-uno.
Ayon kay Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza,co-Chairperson ng Church People-Workers Solidarity, layunin online forum na matalakay ang mahirap na sitwasyon ng mga manggagawa sa bansa na pinalala ng COVID-19 pandemic.
Tema ng Online Forum ang “GIFTED in order to GIVE” St. Joseph as our Inspiration in Mission in Times of Threat and Peril na nakatakda sa ika-28 ng Abril mula alas-nuebe hanggang alas-onse y medya ng umaga.
“As our contribution for the May 1 commemoration of the International Workers’ Day, CWS together with Iglesia Filipina Independiente (IFI) are inviting you and your community to attend an ON-LINE FORUM on April 28, 2021 (Wednesday) from 9am-11:30am with the Theme: “GIFTED in order to GIVE” St. Joseph as our Inspiration in Mission in Times of Threat and Peril.” paanyaya ni Bishop Alminaza.
Bukod sa pagtalakay sa kasalukuyang sitwasyon ng mga manggagawa sa bansa, ibabahagi din ang mga turo ng Simbahan sa dignidad ng paggawa at mga testimonya ng mga nahihirapang uring manggagawa.
“Part of the program is the discussion of the Catholic Social Teachings on Labor and testimonies from peasants and workers who are experiencing severe economic hardships amidst the pandemic and policies of the government.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.
Ipinaliwanag ni Bishop Alminaza na bilang mga lingkod ng Simbahan ay naaangkop na bigyan ng pagkakataon ang iba’t ibang sektor na maibahagi ang kanilang sitwasyon upang mabigyan ng naaangkop na pagtugon at solusyon.