14,617 total views
Inaanyayahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang mananampalataya na makibahagi sa One Minute for Peace na paglalaan ng isang minutong pananalangin para sa kapayapaan ng daigdig sa ika-8 ng Setyembre, 2024 hanggang sa ika-8 ng Hunyo ng susunod na taong 2025.
Kaisa ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pananawagan ng pakikibahagi sa pag-aalay ng panalangin para sa kapayapaan ang International Forum on Catholic Action.
“Sangguniang LAIKO ng Pilipinas in coordination with the International Forum on Catholic Action (Catholic Action Forum) Invites everyone to a One Minute for Peace on the 8th of every month until the 8th of June 2025.” Bahagi ng paanyaya ng SLP.
Ang One Minute for Peace ay isinasagawa tuwing ika-walong araw ng bawat buwan na pinasimulan ni Pope Francis noong 2014.
Sa ika-10 anibersaryo ng One Minute for Peace noong ika-8 ng Hunyo ng kasalukuyang taon 2024 ay muling nanawagan ang Santo Papa upang patuloy na ipanalangin ang pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria para sa kapayapaan ng daigdig.
“On 8 June 2024, the 10th anniversary of One Minute for Peace, Pope Francis commemorated the initiative with a tweet, reminding us to stop “to pray at least #OneMinuteForPeace, asking the Immaculate Heart of Mary to intercede for us before Jesus.” Dagdag pa ng SLP.
Sa nakalipas na sampung taon, suportado at isinusulong din ang One Minute Prayer for Peace ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity at International Forum on Catholic Action na iniendorso din ng Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC).