211 total views
Binalaan ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera,chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Family and Life ang mamamayan na mag-ingat sa mga pekeng contact numbers at bank accounts na nanghihingi ng donasyon para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.
Sa text message ng Arsobispo sa Radyo Veritas, ibinigay nito ang mga numerong dapat lamang i-text o tawagan ng mga nais magbigay ng donasyon.
Nilinaw ng Arsobispo na dito lamang maaaring makuha ang mga lehitimong bank accounts na puwedeng pagpadalhan ng donasyon at hindi nila isasapubliko ang mga account numbers bilang bahagi ng pag-iingat.
“For Donation, inquiry and update please contact Fr. Jazz Siapco, our Social Action Director. Authorized contact numbers for donation. (043) 404 8057 | 0925 559 5968 | 09175089701 | 09177045064. Contact LASAC (Lipa Archdiocesan Social Action Commission). Other numbers or contact are not authorized by the archdiocese. No bank account will be publicly published. Contact the above numbers. Beware of fake numbers or scam.” Bahagi ng text message ni Abp. Garcera sa Radyo Veritas.
Samantala, pinag-iingat din ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng CBCP NASSA / Caritas Philippines ang mamamayan dahil ginagamit ang kaniyang pangalan at organisasyon ng simbahan upang manghingi ng donasyon.
Pinayuhan ni Bishop Bagaforo ang mamamayan na tiyakin kung lehitimo ang bank accounts bago sila magpadala ng salapi.
Iginiit nito na kahit pa gamitin ang kaniyang pangalan o ng ibang mga Obispo ay mahalagang laging tinitiyak kung tunay ang ginagawang panghihingi ng donasyon.
“Warning to everyone! Scammers are using my name and other Bishop’s soliciting donations thru bank deposits. If you receive one please do not give. Always counter check by speaking to the Bishops. Two friends of mine were duped already by very big amounts. Legitimate appeal can be checked by contacting us first in NASSA/Caritas Philippines.” mensahe ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas
Maging si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Cebu Archbishop Jose Palma, CBCP-Vice President Pablo Virgilio David, Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedob at Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo ay naging biktima ng text scams at email hoax.
Read: Mamamayan, binalaan sa email at text hoax gamit ang pangalan ng mga opisyal ng Simbahan
Binibigyang diin naman ng Simbahang Katolika na hindi dapat gamitin at pagsamantalahan ang mamamayan na nakararanas ng kalamidad.