345 total views
Ibinahagi ng Prelatura ng Batanes ang aktibong pagtugon ng mga mamamayan sa kasalukuyang voters’ registration na isinasagawa ng Commission on Elections sa probinsya.
Ayon Batanes Bishop Danilo Ulep, tulad sa ibang mga lugar sa bansa ay patuloy rin ang isinasagawang voters registration ng COMELEC sa probinsya upang makapagpatala ang mamamayan partikular ang mga kabataang nasa wastong edad.
Inihayag ng Obispo na patuloy rin ang kampanya at pagbabahagi ng impormasyon ng Simbahan kaugnay sa voters’ registration kung saan bukas ang tanggapan ng COMELEC sa probinsya para sa lahat ng mga magpapatala hanggang sa ika-30 ng Setyembre.
“Like the other areas in the country, registration is going on.COMELEC office here has been open for since registration has been open for those new voters and those who are supposed to register again, so on going up to this time, I think if I’m not mistaken the registration will continue in the next few months.” pahayag ni Bishop Ulep sa Radio Veritas.
Bagamat wala pang aktuwal na datos naniniwala si Bishop Ulep na madami na sa mga kabataan sa probinsya ang nakapagpatala bilang mga bagong rehistradong botante bukod pa sa mga botanteng lumipat o nagpalit ng ilang detalye sa kanilang rehistro.
“I believe na many have already registered especially for the new voters and for those who have transferred their place of voting…” Dagdag pa ni Bishop Ulep.
Batay sa 2018 data ng Philippine Statistics Authority (PSA) nasa mahigit 17,000 ang bilang ng populasyon sa Batanes.