Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan ng Isla ng Sibuyan, naninindigan laban sa pagmimina

SHARE THE TRUTH

 1,842 total views

Muling nagpahayag ng pagtutol ang mamamayan ng Sibuyan Island sa Romblon laban sa operasyon ng pagmimina sa isla.

Ito ay sa ginanap na pagtitipon sa pagitan ng mga residente at Philippine Environmental Impact Statement System bilang bahagi ng aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation para sa Environmental Compliance Certificate.

Ayon kay Living Laudato Si’ executive director Rodne Galicha, marapat lamang na igiit ng mga residente ng Sibuyan ang kanilang karapatan laban sa pagmimina dahil ito ay likas na yamang dapat na pakaingatan at higit na pagyabungin.

Sinabi ni Galicha na ang tao ay katiwala lamang ng Diyos upang pangalagaan ang kalikasan, kaya’t hindi nararapat na abusuhin at sirain ito para sa pansariling kapakanan.

“Ang kalikasan ng Sibuyan mula tuktok ng bundok hanggang sa kailaliman ng karagatan ay bigay ng Maykapal, at tayong lahat ay pawang mga katiwalang naatasang pangalagaan ito upang tugunan ang pangangailangan ng kasalukuyan nang hindi isinasawalang-bahala ang kapakanan ng mga susunod na salinlahi,” pahayag ni Galicha.

Kabilang sa mga ipinapanawagan ng mga pamayanang tutol sa operasyon ng Altai Mining ang magiging negatibong epekto nito sa kalikasan at buhay ng tao tulad ng pagkaubos ng kagubatan, pagguho ng lupa, polusyon sa tubig, at ang pagkakaroon ng mga malawakang pagbaha.

Iginiit naman ni Alyansa Tigil Mina national coordinator Jaybee Garganera na dapat pakinggan at igalang ng mga kinauukulan ang hinaing ng mga residente upang maisalba ang pinakaiingatang likas na yaman ng Sibuyan Islands.

“There is a strong clamor to protect the natural resources of Sibuyan, known to be the Galapagos of Asia, and the protected area, which is Mt. Guiting-guiting,” ayon kay Garganera.

Nauna nang naglabas ng joint resolution ang Sangguniang Bayan ng San Fernando, Cajidiocan, at Magdiwang sa Romblon na mariing tinututulan ang operasyon ng large-scale mining sa Sibuyan Island.

Gayundin ang panawagan sa pamahalaan lalo na kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Environment Secretary Toni Yulo-Loyzaga na suriin, ihinto, bawiin, at tanggihan ang lahat ng kasunduan, operasyon, at aplikasyon ng pagmimina sa kinasasakupan ng Sibuyan Island.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 59,548 total views

 59,548 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 67,323 total views

 67,323 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 75,503 total views

 75,503 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 91,343 total views

 91,343 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 95,286 total views

 95,286 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 1,236 total views

 1,236 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 2,334 total views

 2,334 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top