12,919 total views
Ipinaparating ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa bawat isa ang kahalagahan ng pagpapatibay ng relasyon sa pamamagitan ng simpleng pakikipag-usap sa kapwa bilang mensahe sa 58th World Social Communications Day sa May 12.
Ayon sa Arsobispo ng Maynila, bagamat nakakatulong para sa sangkatauhan ang pag-usbong ng teknolohiyang nakakatulong sa pang araw-araw na pamumuhay ay mahalaga parin ang pakikipag-komunikasyon sa kapwa.
Ipinaalala naman ni Cardinal Advincula ang pag-iingat mula sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) dahil sa panganib na mapabilang ang isang mamamayan sa hindi totoong komunidad o relasyon na likha mula sa AI.
“when intelligence is artificial, we can easily fall into superficial relationships and pretentious human communities, Pope Francis in his message for the 58th World Communications Day exhorts us to begin with the human heart, before all else, we must start with the human heart if we are to successfully face the challenges of cyberspace, we start with the space where we are most humans in our hearts,” ayon sa mensahe ni Cardinal Advincula.
Paninindigan pa ng Opisyal ng simbahan na kailanman ay hindi malilikha ng AI ang puso na kawangis ng sa tao dahil ang Panginoon lamang ang mayroong kakayahang lumikha nito.
Umaasa si Cardinal Advincula na mapaigting din mga magulang, guardians at iba pang umaaruga sa susunod na henerasyon ang pagtuturo ng wastong pakikipag kapwa-tao upang sa kabila ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay mas piliin parin ng sangkatauhan ang pagpapatibay ng relasyon sa totoong buhay sa halip na online at digital platforms.
“Dear Parents, you are called to grow together with your children and humanity and as humanity, learning to be human sounds basic and sounds so simple, but it is fundamental and essential, if we fail to be human as God has intended us to be, it will be very difficult to navigate immense the digital universe,” ayon pa sa mensahe ni Cardinal Advincula.
Ngayong taon, bilang paggunita sa ika-58 taong anibersaryo ng World Social Communications Sunday itinalaga ng Holy see ang tema sa ‘Artificial Intelligence and The Wisdom of The Heart: Towards Fully Human Communication’.
Una naring isinulong ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pag-iingat sa paggamit ng AI dahil sa panganib ng kawalan ng kaalaman ng mga mamamayan upang alamin ang katotohanan.