8,558 total views
Mahalaga sa bawat mamamayan na makibahagi at mapakinggan ang mga usaping panlipunan kabilang na ang kasalukuyang kalagayan ng bansa.
Ito ang binigyan diin ni Fr. Joel Saballa ng Diocese ng Novaliches at anchor priest ng programang Barangay Simbayanan ng Radio Veritas, kaugnay na rin sa gaganaping State of the Nation Address ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. , ngayong araw July 22.
Ayon sa pari, mahalaga sa bawat mamamayan na may kaalaman, maunawaan ang mga pambansang prayoridad, gayundin ang aktibong pakikilahok sa demokratikong proseso upang papanagutin ang mga pinuno ng bansa sa kabilang mga dapat na gampanan para sa bayan.
Sa pamamagitan aniya ng pakikibahagi, ay magkakaroon ng kapangyarihan ang publiko na mag-ambag
sa pambansang pag-unlad, magtaguyod ng transparency at pananagutan, at makibahagi sa paghubog ng kinabukasan ng ating bansa.
“Like the State of the Nation Address of the President is essential for ordinary citizens to stay informed, understand national priorities, actively engage in democratic processes, and hold leaders accountable,” ayon kay Fr. Saballa.
Ayon pa sa pari, “It empowers citizens to contribute meaningfully to national development, foster transparency and accountability, and participate in shaping the future of our beloved country.”
Si Fr. Saballa ay kabilang sa mga naimbitahan na dumalo sa SONA ng Pangulong Marcos Jr. na kasapi ng Novaliches Ecumenical Fellowship-ang institutional partner ng Mababang Kapulungan.
Si Fr. Saballa rin ay ang kasalukuyang Deputy Executive Director ng Caritas Novaliches, na aktibo rin sa adbokasiya sa pagpapahalaga ng kasagraduhan ng kasal at interreligious dialogue sa diyosesis.