4,378 total views
Umaapela ang Obispo ng Mindanao na dapat mabigyan na ng closure at katarungan ang Mamasapano massacre.
Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo, kailangang maipagpatuloy ang Senate findings sa kaso upang mabigyan ng katarungan ang mga namatay sa Mamasapano encounter noong 2015.
Inihayag ng Obispo na dapat mapanagot sa batas ang may kasalanan at kapabayaan sa pagkamatay ng limang sibilyan at 44 na miyembro ng PNP Special Action Force o tinaguriang SAF 44.
Umaasa si Bishop Bagaforo na matutulungan at makamtan na ng mga pamilya ng SAF 44 ang katarungan sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.
Naniniwala ang Obispo na malaki ang pananagutan ng mga opisyal noon ng bansa sa pagkamatay ng mga miyembro ng PNP sa engkuwentro dahil sa kanilang kapabayaan.
Sinang-ayunan naman ni Bishop Bagaforo ang pakikipagpulong ng pangulong Duterte sa pamilya ng mga biktima upang mabigyan sila ng pag-asa na makakamtan ang katarungan.
“Dapat merong closure na ang Mamasapano case. The Poe’s Senate findings must be pursued & justice be done. Those responsible be brought to answer their deeds. Families of SAF 44 should be properly compensated. The government should take responsibility of their deaths.”pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.
Samantala, lumabas sa Senate investigation noong 2015 sa pamumuno ni Senator Grace Poe na maituturing na isang massacre at hindi encounter ang nangyari sa operation plan Exodus kaugnay ng pagsi-serve ng warrant of arrest sa Malaysian bomb maker na si Zulkifli bin Hir alias Marwan at dalawa pang kasamang terorista.