Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mambabatas binatikos ang dating kalihim sa mga iniwang problema sa DepEd

SHARE THE TRUTH

 12,980 total views

Binatikos ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro si Vice President Sara Duterte sa pagtalikod sa mga hindi nareresolbang isyu sa Department of Education, na nag-iwan ng santambak na problema sa kahalili nitong si dating senador at ngayo’y kalihim na si Sonny Angara.

Inihayag ni Castro ang kaniyang pagpuna sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Appropriations sa panukalang P793.18-billion budget ng DepEd at attached agencies para sa 2025. Ang Bise Presidente ay nagbitiw bilang kalihim ng DepEd noong July 19.

“In fairness naman kay Secretary Angara, teacher pa lang ako talagang malalim na ang pinagsamahan ng ACT Teachers at ni Secretary Angara. Si Secretary Angara, very accommodating, ang mga bills sa salary ng mga teachers ay talagang sinusuportahan niya. Ngayong Secretary na siya, mukhang mas maganda ito kesa noong nakaraan,” ayon kay Castro.

Mabilis namang inilipat ni Castro ang kaniyang tuon sa mga problemang minana ni Angara mula sa nakalipas na administrasyon.

“Kaya lang, Mr. Chair, nakakalungkot po, medyo iniwanan siya ng maraming problema ni Vice President Sara Duterte, lalong-lalo na po itong MATATAG curriculum,” pahayag pa ni Castro.

Ipinunto niya na ang kurikulum ay nagdulot ng malaking pahirap sa mga guro sa high school, na ngayon ay may 7-8 oras ng pagtuturo kada araw, na ang bawat klase ay tumatagal ng 45 minuto.”

“Talagang minaximize ang 6 hours,” ayon pa kay Castro, na binigyang diin ang labis na oras na pagtuturo ng mga guro.

Mungkahi ni Castro ang agarang pagrepaso ng MATATAG curriculum, na aniya’y minadaling ipinatupad na dahilan ng maraming problema.

“Iniwanan kayo ng nakaraang administration ng ganitong problema, ngayon ‘yung mga teachers talaga natin problematic dito, sobrang pahirap itong MATATAG curriculum,” saad pa nito.

Bukod dito, binigyan diin din ng mambabatas ang mga seryosong problema na tinukoy sa ulat ng Commission on Audit (COA) tungkol sa Computerization Program (DCP) ng DepEd.

“Medyo mahalaga sa akin ito, Madam Chair and Mr. Secretary, dahil gusto natin mabigyan ng laptop, mga computer ang ating mga teachers,” saad pa ni Castro, kaugnay na rin sa natuklasan ng COA tungkol sa mga pagkaantala, hindi pagkaka-deliver, at mga kakulangan sa loob ng programa, lalo na ang maling pamamahala ng mga package ng DCP.

Ikinabahala rin ni Castr ang tungkol sa mga hindi nabayarang remittance na umaabot ng higit sa P5 bilyon sa iba’t ibang ahensya, kabilang ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), at Pag-IBIG Fund.

Ayon sa ulat ng COA para sa 2023, ang mga hindi naibabayad na buwis ay umabot sa P1.3 bilyon na utang sa BIR, P3.1 bilyon sa GSIS, P503 milyon sa PhilHealth, at P182 milyon sa Pag-IBIG.”

Iginiit ni Castro na ito ay malaking epekto sa mga teacher at non-teaching personnel, lalo na ang pagkakaantala ng remittances sa GSIS, na maaaring magdulot ng interes at surcharges sa kanilang mga account.

“Mahalaga po itong GSIS dahil pag na-late ang remittance ng premium loan sa GSIS, ang tatamaan ng mga interests ay ang mga teachers o ang mga non-teaching personnel,” babala pa ni Castro, na karagdagang pasanin sa mga kawani ng DepEd.

“Kung hindi nababayaran sa tamang oras, meron nang interest and surcharge against the account of the teachers or the non-teaching personnel,” dagdag pa niya, kasabay ang panawagan para sa agarang aksyon upang matugunan ang mga pinansyal na obligasyong ito.

Tiniyak naman ni Angara at iba pang mga opisyal ng DepED, na ang mga binanggit ng COA, lalo na ang mga hindi nabayarang buwis ay tinutugunan na ng kagawaran, sa pamamagitan ng isinasagawang reconciliation process.

Patungkol naman sa MATATAG curriculum, sinabi ni Angara, na kasalukuyan ng binabalangkas ang Department Oder kaugnay na rin sa hinaing ng mga guro.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 53,159 total views

 53,159 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 67,815 total views

 67,815 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 77,930 total views

 77,930 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 87,507 total views

 87,507 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 107,496 total views

 107,496 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Kahinahunan, panawagan ng Obispo sa nagbabangayang Pangulong Marcos at VP Duterte

 367 total views

 367 total views Nananawagan ng kahinahunan si Military Bishop Oscar Jaime Florencio, kaugnay na rin sa mga pahayag ni Vice President Sara Duterte laban sa ilang pinuno ng pamahalaan, kabilang na ang pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ikinagulat din ng obispo, ang mga binitawang salita ng bise presidente na aniya’y hindi naaakma sa isang mataas

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pagpapanatili ng Rule of Law, panawagan ni Pangulong Marcos Jr., sa banta ni VP Duterte

 590 total views

 590 total views Nagsalita na rin ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga pahayag ni Vice-President Sara Duterte. Sa talumpati, binigyang-diin ng Pangulong Marcos, ang kahalagahan ng Rule of Law at ang pagtutol sa anumang uri ng karahasan o pagbabanta, kahit pa ito’y galing sa pinakamataas na opisyal ng pamahalaan. “Ito ay hindi dapat palampasin. Ang

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Set aside politics, panawagan ni Archbishop Jumoad sa nagbabangayang pulitiko

 614 total views

 614 total views Nanawagan si Archbishop Martin Jumoad ng Ozamis sa mga lider ng pamahalaan na itigil ang labis na pulitika at ituon ang kanilang atensyon sa paglilingkod sa taumbayan. Sa panayam ng Radyo Veritas, hinimok niya ang mga opisyal na gampanan ang kanilang tungkulin nang may dignidad at integridad upang maabot ang tunay na pag-unlad

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Makaraan ang 14-taong pagkakulong sa Indonesia: Veloso, makakauwi na ng Pilipinas

 1,984 total views

 1,984 total views Matapos ang mahigit sa isang dekadang pakikipag-usap at apela sa Indonesian government ay makakauwi na ng Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang Filipina Overseas Filipino Worker na naaresto nuong 2010 sa Indonesia at nahatulan ng parusang kamatayan. Ito ang inanunsiyo sa inilabas na pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sinabi ng Pangulo

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Katarungan, hangad ng mga naulila ng EJK

 3,381 total views

 3,381 total views Umaasa ang mga naulilang biktima ng extra judicial killings na makakamit ang katarungan at mapapanagot ang mga nagkasala sa ipinatupad na marahas na drug war ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginaganap na pagdinig ng Quad Committee ng Mababang Kapulungan. Ito ang panalangin ng mga naulila sa ginanap na Misa para sa

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Simbahan, nakahandang makipagdayalogo sa mga kandidato

 3,506 total views

 3,506 total views Kaugnay sa nalalapit na halalan sa susunod na taon, tiniyak ng simbahan ang kahandaan na makipagdayalogo sa mga kandidato, at sa nais na humingi ng panalangin. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangan ng sambayanan sa kasalukuyan ang mga pinunong may malakasakit, magtataguyod ng tunay at tapat na pamamahala na siyang pinaninindigan ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pagkumpiska ng ilegal na nabiling ari-arian ng mga dayuhan, isinulong sa Kamara

 5,166 total views

 5,166 total views Inihain sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan sa gobyerno na bawiin o kumpiskahin ang mga ari-arian na ilegal na nabili ng mga dayuhan, lalo na ang kaugnay sa mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Ang House Bill (HB) No. 11043, na kilala rin bilang “Civil Forfeiture Act,” ay

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Batasang Pambansa, nagbigay pugay sa mga nasawi sa bagyong Kristine

 6,304 total views

 6,304 total views Magnilay, manalangin at magbigay pugay sa alaalang iniwan ng mga nasawi dulot ng Bagyong Kristine. Ito ang paghihimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa sambayanang Filipino kasabay na rin proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtatakda ng November 4 bilang National Day of Mourning. Sa nagdaang kalamidad, umaabot sa higit isang daan

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Duterte, hindi maikailang ipinag-utos ang pagpatay sa mga sangkot sa kalakalan ng droga

 7,353 total views

 7,353 total views Hindi maikakaila na may ipinag-utos ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na paslangin ang sinumang may kinalaman sa ilegal na kalakalan ng droga. Ito ang naging reaksyon ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs sa mga pahayag ni Duterte

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Caritas Manila, ikakasa ang 2nd-round na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 6,697 total views

 6,697 total views Naghahanda na ang Caritas Manila sa second-round ng pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bayong Kristine. Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay ng isinasagawang Typhoon Kristine Telethon ng Caritas Manila at Radio Veritas. Unang nagbahagi ng kabuuang 1.2 milyong piso cash ang social arm

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 11,254 total views

 11,254 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Archdiocese of Manila, magsasagawa ng second collection para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 6,897 total views

 6,897 total views Ipinag-utos ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagsasagawa ng second collection sa lahat ng misa sa Sabado, October 26, at Linggo, October 27, bilang tugon sa pangangailangan ng mga biktima ng Bagyong Kristine, kung saan matinding napinsala ang Bicol Region at Quezon Province. Sa Circular No. 2024-75 na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Igalang ang labi ng mga yumao

 8,102 total views

 8,102 total views Mahalaga ang pagpapakita ng respeto at paggalang sa mga labi ng yumao, alinsunod sa mga turo ng simbahan. Ito ang mensahe ni Fr. Joel Saballa ng Diocese of Novaliches bilang reaksyon sa kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte na huhukayin niya ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung magpapatuloy

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Imbestigasyon ng Senado sa EJK’s, hindi naakma

 8,625 total views

 8,625 total views Walang anumang batas na nagbabawal sa senado na magsagawa ng parallel investigation sa iniimbestigahan ng Mababang Kapulungan kaugnay sa extrajudicial killings na iniuugnay sa kampanya kontra droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Ito ang sinabi ni House Committee on Dangerous Drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers-na siya ring lead chair ng Quad Committee-

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Total clean-up sa PNP, panawagan ng Obispo

 9,337 total views

 9,337 total views Pinaalalahanan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga kabataan na ang pagiging alagad ng batas ay hindi lamang isang uri ng trabaho kundi isang bokasyon. Ito ang mensahe ng Obispo sa pagkakasangkot ng ilang mga uniformed personnel, lalo na ang mga opisyal ng Philippine National Police sa isyu

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top