219 total views
Ito ang mensahe ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itenerant People sa mga Overseas Filipino Workers sa Hongkong na apektado ng bagyong Ompong na unang nanalasa sa Pilipinas.
“Turn and trust our God. He is our Strength, our Security. So pray to Him. God listens to our prayers.” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Hinimok ng Obispo ang mga Filipino sa Hongkong na sumunod sa direktiba ng mga otoridad kaugnay sa bagyo upang maiwasan ang pinsala at sakuna.
Tiniyak din ni Bishop Santos ang pakikiisa sa mamamayan ng Hongkong lalo na sa komunidad ng mga Filipino sa pamamagitan ng pananalangin at magpaabot ng tulong sa mga maapektuhan.
“We have a Chaplaincy there in Hongkong. And we always resort to collective prayers, holy masses and mutual assistance. Stay safe, we are one with you in prayers.” ani ng Obispo.
Batay sa paunang ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council mahigit sa 250-libo ang naapektuhan ng bagyong Ompong sa Northern Luzon at hindi bababa sa 50 ang nasawi dahil sa pagguho ng lupa partikular sa Itogon Benguet.
Naunang nagpaabot ng tulong ang Simbahang Katolika sa bansa at ang Caritas Manila sa mga diyosesis na nasalanta ng bagyo tulad ng Diyosesis ang Ilagan, Tabuk, Tuguegarrao, Batanes at Laoag.
Read: Caritas Manila, nagpadala ng 1-milyong pisong ayuda sa mga Diyosesis na tatamaan ng bagyong Ompong
Nagbukas din ang ilang Simbahan at Kombento ng mga Pari na naging kanlungan ng ilang residente na lumikas sa pananalasa ng bagyo.
Read: Mga parokya sa Luzon, gagamitin ding evacuation centers