206 total views
Ito ang mensahe ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang dako ng daigdig lalu na sa Gitnang Silangan kung saan nagsagawa ng pastoral visit ang mga opisyal ng Simbahan.
Ayon kay Bishop Santos ito ang nararapat gawin lalo’t nakararanas ng mga paghihirap habang naghahanap buhay na malayo sa mga pamilya.
“We may say that our journey here is not smooth and straight. Our roads have rough and rugged, yet we are safe. Go first to Jesus. Turn to God and trust Him; Pray always to God,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Pinaalalahan pa ni Bishop Santos ang mga OFW na sa mga panahong nahaharap sa pagsubok at kahirapan ay nariyan ang Panginoon na handang kumalinga tulad ng winika sa ebanghelyo ni San Mateo kabanata 11 talata 28 kung saan sinabi ni Hesus na lumapit sa Kanya ang mga nahihirapan at may pinapasan at pagiginhawain ko kayo.
Dagdag pa ng obispo, bilang pinunong pastol sa komisyon ng CBCP na nangangalaga sa mga migrante at kaisa ng simbahang katolika, patuloy itong nag-aalay ng mga panalangin para sa kaligtasan ng bawat OFW.
Kinilala din ng Obispo ang sakripisyo ng mahigit 10 milyong OFW sa mundo para sa naiwang pamilya sa Pilipinas at naniniwala sa kakayahan ng mga manggagawang Filipino na ipinamamalas sa iba’t ibang bansa.
“You can do and give the best of yourself. For us you are someone. You are special; you are all good, the best. Don’t look down on yourself, we believe in you and we come to tell you that you are loved; Our Church cares for you,” ani ng Obispo.
Binisita ng mga opisyal ng CBCP-ECMI ang mga OFW sa Amman Jordan bilang bahagi ng misyon ng Simbahang Katolika na lingapin at ihayag ang dakilang pag-ibig ng Panginoon sa mga migrante.
Personal ding pasasalamat ni Bishop Santos ang pamunuan ng Jordan dahil pinayagang makapagbukas ng Filipino Chaplaincy sa Amman upang mangalaga sa higit 30,000 Filipino sa lugar sa pangunguna ni Fr. Gerald Metal ang anchor priest ng Healing Touch program ng Radio Veritas.
Pinuri ng Obispo ang pagsusumikap ng mga OFW sa Jordan para sa kinabukasan ng kanilang mahal sa buhay.
“With your sacrifices and services here in Jordan, the lives of your loved ones are much better, even brighter. With your sharing and self-offering, their future are secured and will be successful.”
Nauna nang hamon ng simbahan sa bawat OFW na maging katuwang sa misyon ni Hesus sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa mga lugar na kanilang pagsisilbihan sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kabutihan at katapatan.
“With your dedication to works and devotion to God, you have shown to them our true characters, that is, we are God fearing, honest and hardworking Filipinos.”
Mananatili si Bishop Santos kasama si Fr. Resty Ogsimer ang executive secretary ng komisyon sa Amman Jordan sa ika-13 ng Agosto habang sa Lebanon naman hanggang ika-20 ng Agosto.