332 total views
Ito ang panawagan ng ikalawang taong pagsasagawa ng PasaLord Prayer Movement.
Ayon kay Lourdes Pimentel, Founder at Lead Convenor ng PasaLord Prayer Movement labis na nakaaantig ng damdamin na makita ang madaming mga pilipino na nananalangin para sa bansa. Dagdag pa niya, nakamamangha din na maging ang Executive, Legislative at Judicial na mga sangay ng pamahalaan ay sama-samang nanalangin para sa kapayapaan ng bansa.
Kabilang pa sa mga sangay ng pamahalaan na kaisa dito ay ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Navy at Philippine National Police.
“It was very moving to see so many people praying for our country last year. It has never happened before anywhere in the world that the executive, legislative and judicial branches of government prayed with the people for peace in the country… This year, we are mobilizing for greater participation and we invite you to join us. Please ask other people to pray with us, too. Our country needs our prayers.” Pahayag ni Pimentel.
Ngayong taon, muling hinimok ng PasaLord Movement ang mga Pilipino na ipakita ang kanilang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pakikiisa sa malawakang pagkilos.
Unang nagpahayag ng pakikiisa ang mga Diyosesis ng Surigao, Calbayog at Sorsogon, at kaisa din ang iba’t-ibang denominasyon ng mga kristiyano sa Pilipinas.
Hinikayat ang bawat isa na magsuot ng damit na kulay pula, asul, puti o dilaw.
Isasagawa ang sabay-sabay na pananalangin sa buong bansa ng ganap na alas dose ng tanghali, bukas, ika-6 ng Pebrero.