221 total views
April 10, 2020-9:10am
Mangingibabaw ang diwa ng Muling Pagkabuhay ni Hesus sa gitna ng krisis na dulot ng pandemic corona virus disease 2019 (COVID 19) ayon sa pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Sa Easter message ni CBCP President, Davap Archbishop Romulo Valles inilarawan nito na ang pagtutulungan ng mamamayan sa gitna ng pandemya ay malinaw na tanda ng buhay na pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.
“Indeed, it is so moving and so heartwarming to see individuals trying to save and protect the life of ailing patients, whose hearts are filled with selfless goodness for others, especially for the sick and the poor, individuals who have the courage to offer heroic service and sacrifice with the clear risk of losing their very own lives,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Valles.
Ayon sa arsobispo ang pag-alay ng buhay ng iba para mabuhay ang kapwa ay isang kahanga-hangang gawain tulad ng halimbawa ni Hesus na bukas palad tinanggap ang kalooban ng Diyos Ama na mamamatay para sa sanlibutan sapagkat ito ay nagdulot ng bagong pag-asa sa bawat isa.
Matatandaang sa pakikipaglaban sa COVID 19, mahigit na sa isandaang medical health workers na Filipino ang nagpositibo sa virus kung saan ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. 21 doktor na at ilang nurse ang nasawi sa laban kontra COVID 19.
Dagdag pa sa mensahe ng pinuno ng CBCP, na sa pagbubunyi sa Muling Pagkabuhay ni Hesus marapat lamang na huwag kalilimutan ang Kalbaryo at ang krus na sumasagisag ng paghihirap ni Kristo para sa sanlibutan ngunit higit sa lahat ang matagumpay na pagtawid ni Hesus sa dilim ng kamatayan na hanggang sa kasalukuyan ay tinatamasa ng bawat isa ang kaligtasan.
“He died for us when his hour had come; he faced death. He faced death consciously, willingly, with his heart filled with love for us, filled with the mercy of God for us. But then, Jesus rose from the dead; he is victorious over death. His victory over death he shares with you and me. This is Easter for me.”
Sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng Simbahang Katolika dulot ng pandemya, matagumpay pa rin ang paghahandog ng mga banal na gawain sa mananampalataya sa tulong ng makabagong teknolohiya kung saan higit na pinagtatagumpayan ang pakikipagkaisa ng bawat mamamayan sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus.
Dahil dito, mahalaga ding ipalaganap sa pamayanan ang dakilang pag-ibig ng Diyos at pagpapahalaga sa kapwa sa pamamagitan ng pagkalinga lalo’t higit sa nangangailangan ngayong panahon ng krisis.
Ang mga halimbawa na Kristo na dapat pagyabungin upang ang bawat isa ay maging tunay na saksi ng Muling Pagkabuhay ng Anak ng Diyos.
“We can still celebrate with profound thanksgiving in our hearts the solemn commemoration of the Resurrection of Jesus: the triumph of Jesus over death. This is the Easter that, I believe, we can celebrate together in these difficult days.”