190 total views
Hinamon ni Father Luciano Felloni ang Social Communications head ng Diocese of Novaliches ang mga pari at mananampalataya na maging cybermissionaries.
Ito ay kaugnay sa kanyang panayam sa 5th National Catholic Media Convention.
Ayon sa Pari, pareho lamang ang pagiging cybermissionary sa pagiging misyonero tulad ni Hesus, subalit kinakailangan gumamit ng teknolohiya at social media.
“Cyber mission is mission it is the same in any other mission you only use technology it is the same para ihatid ang salita ng diyos sa mga nakikinig.” Pahayag ng pari.
Binigyang diin pa ni Fr. Felloni ang masidhing pangangailangan at pangungulila ng mga Overseas Filipino Workers sa Salita ng Diyos.
Sinabi ng Pari na hinahanap-hanap ng mga Filipino sa ibang bansa ang sariling kultura sa pagdadaos ng mga Banal na Misa, kaya naman malaki din ang naitutulong ng Social Media upang maging kabahagi ang mga ito sa banal na pagdiriwang.
“Filipinos abroad they are thirsty and hungry for the word of God. They are desperate to connect but to connect with God na may lasang pinoy, they are looking for mass in tagalog, bisaya Cebuano, they are looking for their roots.”pahayag ni Father Felloni
Ngayong 2019, nakapagtala ang We are Social ng 76 na milyong mga Filipino na gumagamit ng social media partikular na ang facebook.
Dahil dito, hinimok ng pari ang mga kapwa nito pari na maging online missionary at abutin ang mga mananampalataya sa Social Media.