405 total views
Nagbabala ang Diocese of Cubao sa mananampalataya sa priestly status ni Father Rico Sabanal na dating kasapi ng Order of Carmelites.
Sa sirkular na inilabas ng Diyosesis binigyang-diin nito na hindi na pinahintulutan ang pari na makapagsagawa ng anumang sakramento ng Simbahan sa buong bansa.
“The faithful of the Diocese of Cubao is hereby informed that Fr. Rico Sabanal is no longer a Roman Catholic Priest and has no PRIESTLY FACULTY to perform any religious activities anywhere in the Philippines,” bahagi ng liham sirkular.
Batay sa impormasyon ng Diyosesis, August 30, 2008 nang tuluyang ma-dismissed ang pari sa kinabibilangang kongregasyon dahil sa paglabag sa Canon 694.
Ayon sa Canon law 694 maaaring alisin ang isang indibidwal na kasapi ng religious congregation ‘1) has defected notoriously from the Catholic faith; 2) has contracted marriage or attempted it, even only civilly; 3) has been illegitimately absent from the religious house, pursuant to can. 665 §2, for 12 consecutive months, taking into account that the location of the religious himself or herself may be unknown.’
Dagdag pa rito ang kapangyarihan ng Major Superior ng kongregasyon kasama ang buong Council na magtanggal ng kasapi kung makakakuha ng sapat na ebidensya sa mga paglabag.
Una nang kinumpirma ni Provincial Secretary of the Order of Carmelites Fr. Esmeraldo Reforial na hindi na konektado sa kongregasyon si Fr. Sabanal.
Agosto 2010 at Abril 2016 nang magpalabas ng kaparehong anunsyo ang diyosesis subalit kamakailan nakatanggap ito ng ulat na muling nagdiriwang ng Banal na Misa ang pari sa mga tanggapan ng Quezon City Hall, sa mga kapilya at parokya sa na sakop ng Cubao.
“Please refrain from inviting him and inform your parishioners and disseminate this information to Administrator/Officer in-Charge of chapels, funeral chapels, schools, hospitals, government and private offices that are within your jurisdiction,” giit ng Diyosesis.