245 total views
Tinatawagan ang bawat mananampalataya na maging bahagi para ibsan ang pangungulila at paghihirap ng mga taong nasa piitan dahil sa kanilang pagkakasala.
Ito ang mensahe ni Bishop Pedro Arigo, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa ika-30 pagdiriwang ng simbahan ng Prison Awareness Week.
Ayon pa sa mensahe ng obispo bawat isa ay may bahagi para sa paglago at pagbabago ng mga nakulong dahil sa pagkakasala sa batas na siyang layunin ng mga piitan ang itama ang mga pagkakamali upang muling maging kapakipakinabang na mamamayan.
“Today more than ever as we celebrate the 30th Prison Awareness Sunday, the Church urges us to reach out to those who are in need especially the prisoners to bring once more Christ’s light to those in darkness and to let them experience God’s saving action through our compassionate Love and Service,” ayon sa mensahe ni Bishop Arigo.
Hinihimok din ng CBCP ang pamahalaan sa pagkakaroon ng pagbabago sa justice system ng bansa maging ang pagpapabuti sa kalagayan ng mga nakakulong.
Ayon pa kay Rudy Diamante, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care dapat gamitin ng Pangulo ang kanyang executive clemency powers para sa pagpapalaya ng mga matatanda at may sakit na nakapagsilbi na ng 20 taon sa kulungan nang maibsan na rin ang dami ng mga nakakulong.
“We also urge those in government, to make reforms in our criminal justice system a top priority particularly the Correction pillar, and explore alternative ways of dispensing justice other than incarceration and cruel degrading and inhuman punishment,” ayon kay Diamante.
Simula Oct. 23-29 ipinagdiriwang ng simbahan ang Prison Awareness Week na layuning ipamulat sa lipunan ang kalagayan ng mga bilanggo.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority, 600 percent na overcrowded ang mga piitan sa bansa.
Sa datos, ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay may 93,961 ang mga detainees habang ang Bureau of Corrections naman ay may kabuuang 41,207.
Sa mensahe ni Pope Francis, hinihikayat ang bawat kristiyano sa pakikipag-ugnay hindi lamang sa mga mahihirap kundi maging sa nagdadalamhati tulad ng mga bilanggo nang maipadama sa kanila ang pag-ibig ng Panginoon.