Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, dumagsa sa Grand Isidorian procession 2024

SHARE THE TRUTH

 15,093 total views

Pinangunahan ng Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Pulilan, Bulacan ang kauna-unahang Grand Isidorian Procession 2024 bilang paggunita sa ika-402 anibersaryo ng kanonisasyon ni San Isidro Labrador.

Ayon sa rektor at kura paroko ng dambana na si Fr. Dario Cabral, layunin ng maringal na prusisyon sa karangalan ni San Isidro Labrador na higit pang ipalaganap ang pagdedebosyon sa itinuturing na patron ng mga magsasaka.

Sinabi ni Fr. Cabral na iilan na lamang ang nagpapahayag ng debosyon sa mga banal ng simbahan tulad kay San Isidro, kaya naman magandang halimbawa ang Grand Isidorian Procession na mapalawak ang pananampalataya sa sambayanan.

[Hiling ko na] maging masigla ang pagdiriwang na ito. Maging mas malawak at malalim ang pagdedebosyon na makaakit ng higit na debosyon ‘yung ating mga patron. Kasi sa panahon ngayon parang nale-lessen na ‘yung debosyon sa mga santo. Ito ‘yung paraan para mabuhay at maging masigla ang pagde-debosyon,” ayon kay Fr. Cabral sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag naman ni Fr. Cabral na bahagi ng kanilang intensyon kay San Isidro ang patuloy na kasaganaan sa mga bukirin na pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay sa bayan ng Pulilan.

Iyon ang aming battle cry sa aming debosyon—masaganang ani, hanapbuhay, at mga panalangin sa mga naghahanapbuhay” saad ng pari.

Isinagawa ang maringal na prusisyon pagkatapos ng Banal na Misa na pinangunahan ni Fr. Reynante Tolentino, ang rektor ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, at pangulo ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines.

Kabilang sa mga lumahok sa prusisyon ang mga imahen ni San Isidro mula sa mga parokya sa Diyosesis ng Malolos, at mga dambana sa Talavera, Nueva Ecija; Biñan City, Laguna; at Cuenca, Batangas.

Pumanaw si San Isidro Labrador noong November 30, 1172, at naging ganap na banal ng simbahan noong March 12, 1622 kasama nina San Ignacio de Loyola, San Francisco Javier, Santa Teresa ng Avila at San Felipe Neri.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 105,510 total views

 105,510 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 113,285 total views

 113,285 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 121,465 total views

 121,465 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 136,486 total views

 136,486 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 140,429 total views

 140,429 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 281 total views

 281 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 4,145 total views

 4,145 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 5,945 total views

 5,945 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top