Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinamong gawing bahagi ng buhay ang “Word of God”

SHARE THE TRUTH

 2,146 total views

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamamayan na bigyang halaga ang Salita ng Diyos.

Ito ang paanyaya ni Laoag Bishop Renato Mayugba, Chairperson ng CBCP – Episcopal Commission on Biblical Apostolate sa pagdiriwang ng National Bible Month.

Ayon sa Obispo, ang Salita ng Diyos na nailathala sa bibliya ay gabay sa bawat mananampalataya sa kaganapan ng buhay gayundin ang pundasyon sa matibay na pananampalataya sa Panginoon.

“May I, encourage everybody to make the Word of God a part of your life, a part of your homes; on this sunday of the Word of God it is nice for everybody to highlight the importance of the Word of God sa ating buhay.” pahayag ni Bishop Mayugba sa panayam ng Radio Veritas.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang “The Word leads to the Way, the Truth, and the Life,” na hango sa sipi ni San Juan at Propeta Isaiah.

Binigyang diin ni Bishop Mayugba na ang Salita ng Diyos ay daan tungo sa landas ni Hesus na nararapat tangkilikin ng mamamayan lalo ngayong laganap ang fake news at disinformation.

“Ngayong ang buong mundo ay napakaraming fake news and everything…ang pinakatotohanan, the message of truth ay manggagaling sa bibliya sa Salita ng Diyos.” giit ni Bishop Mayugba.

Bukod pa rito ang buhay na walang hanggang ipinangako ng Panginoon sa bawat isa na mas mapagyabong ang paghahanda sa pamamagitan ng pagbabasa at pagninilay sa bibliya.

Kamakailan ay pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican ang word conference kung saan hinimok ang bawat mananampalataya na ugaliin ang pagbabasa ng bibliya.

Taong 1982 nang ideneklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang National Bible Sunday sa huling Linggo ng Nobyembre na inilipat ni dating Pangulong Corazon Aquino sa Enero habang pinagtibay naman ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang lagdaan ang Proclamation No. 124 na nagdideklarang National Bible Day ang huling Lunes ng Enero.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 106,496 total views

 106,496 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 114,271 total views

 114,271 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 122,451 total views

 122,451 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 137,449 total views

 137,449 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 141,392 total views

 141,392 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top