456 total views
Inaanyayahan ng National Shrine of Saint Joseph sa Mandaue City, Cebu ang mananampalataya na makibahagi sa 9 na araw na paghahanda para sa National Consecration of the Philippines to Saint Joseph sa Mayo-a-uno.
Kabilang sa mga gawain bilang paghahanda sa pagtatalaga ng bansa kay San Jose ay ang 9 na araw na pagbabahagi ng mga pagninilay ng mga opisyal ng Simbahang Katolika kaugnay sa kabanalan ni San Jose.
Nagsimula ang ‘nine days of preparatory consecration to Saint Joseph’ noong ika-22 ng Abril at magtatagal hanggang sa ika-30 ng buwan kung saan masusubaybayan sa official Facebook page ng The National Shrine of St. Joseph tuwing alas-singko ng hapon ang mga pagninilay ng 8-obispo at 1-cardinal .
Nakabatay ang mga ibabahaging pagninilay ng mga obispo sa huling siyam na paksa ng aklat na Consecration to St. Joseph: The Wonders of Our Spiritual Father ni Fr. Donald H. Calloway, MIC. The following are invited to share virtually their reflections on the last 9 Topics on the book of Fr. Calloway’s Consecration to St. Joseph – The Wonders of Our Spiritual Father: Day 1: (Thursday – April 22, 2021) St. Joseph, Glory of Domestic Life by H.E. BRODERICK S. PABILLO Apostolic Administrator of the Archdiocese of Manila Day 2: (Friday – April 23, 2021)
St. Joseph, Guardian of Virgins by H.E. DENNIS C. VILLAROJO Bishop of the Diocese of Malolos Day 3: (Saturday – April 24, 2021) St. Joseph, Pillar of Families by H.E. ALBERTO S. UY Bishop of the Diocese of Tagbilaran
Day 4: (Sunday – April 25, 2021) St. Joseph, Comfort of the Afflicted by H.E. JOHN F. DU Archbishop of the Archdiocese of Palo Day 5: (Monday – April 26, 2021) St. Joseph, Hope of the Sick by H.E. JULITO B. CORTES Bishop of the Diocese of Dumaguete
Day 6: (Tuesday – April 27, 2021) St. Joseph, Patron of the Dying by H.E. PRECIOSO D. CANTILLAS Bishop of the Diocese of Maasin Day 7: (Wednesday – April 28, 2021) St. Joseph, Terror of Demons by H.E. PATRICK DANIEL Y. PARCON Bishop of the Diocese of Talibon Day 8: (Thursday – April 29, 2021)
St. Joseph, Protector of the Holy Church by H.E. ORLANDO B. CARDINAL QUEVEDO Archbishop-Emeritus of the Archdiocese of Cotabato Day 9: (Friday – April 30, 2021)
He Made Him the Lord of His Household and Prince Over All His Possessions by H.E. MIDYPHIL B. BILLONES Auxiliary Bishop of the Archdiocese of Cebu Nakatakda ang National Day of Consecration to Saint Joseph sa National Shrine of Saint Joseph sa Mandaue City, Cebu kasabay ng Kapistahan ni San Jose Manggagawa sa unang araw ng Mayo kung saan inaasahan rin ang paglulunsad ng Men of Saint Joseph ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na itinalaga ng kalipunan ng mga Obispo upang pangasiwaan ang paggunita sa idineklarang Year of Saint Joseph ngayong taon.
Nakasaad sa Liham Apostoliko ng Kanyang Kabanalan Francisco na may titulong “Patris Corde” ang deklarasyon ng Santo Papa Francisco sa pagdiriwang ng Year of Saint Joseph mula Disyembre 8, 2020 hanggang Disyembre 8, 2021 bilang paggunita na rin sa ika-150 anibersaryo ng pagkakadeklara kay San Jose bilang Patron ng buong Simbahang Katolika.