Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinimok na ituloy ang programa ng yumaong cyber missionary Priest

SHARE THE TRUTH

 10,927 total views

Umaasa si Novaliches Bishop Roberto Gaa na maipagpatuloy ng mananampalataya ang mga nasimulang programa at proyekto ni yumaong cyber missionary Fr. Luciano Ariel Felloni.

Inihayag ng obispo na ang pagpanaw ni Fr. Felloni ay hindi nangangahulugan ng paghinto at pagkawala ng kanyang mga gawaing pagmimisyon sa kristiyanong pamayanan.

Apela ni Bishop Gaa sa mamamayan na paigtingin at palawigin pa ang mga nasimulang gawain upang higit maramdaman ang diwa ng paglilingkod ng cyber missionary priest sa mga Pilipino.

“Fr. Luciano engages people in a very spirited manner…Nawa ang kanyang inumpisahan ay ating ipagpatuloy maybe in a different manner pero sana with that same passion, with the same intimacy, with the same spirited engagement na tinanggap natin mula kay Fr Luciano, he is passing on that legacy on us, huwag sanang huminto sa kanya itong ganitong klaseng pagmamahal at paglilingkod,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Gaa.

Unang bahagi ng taong 2000 nang unang maglingkod si Fr. Felloni sa Novaliches na noo’y bahagi ng Archdiocese of Manila partikular sa Mother of Divine Providence hanggang 2007 gayundin sa Holy Trinity Parish habang taong 2008 nang tanggapin at mapabilang ang pari sa Diocese of Novaliches mula sa kongregasyon ng Sons of Divine Providence kung saan ito inordinahang pari.

Ilan sa mga ginampanan nito sa diyosesis ang pagiging Kura Paroko ng Our Lady of Lourdes Parish, Kristong Hari Parish at sa Jesus Lord of the Divine Mercy Parish kung saan ito ang pinakahuling parokya na ipinapastol hanggang pumanaw noong February 2, 2025.

Bukod sa mga parokya pinangasiwaan din nito ang ilang tanggapan ng diyosesis tulad ng Caritas Novaliches, Social Action Commission, Social Service Development Ministry, at hanggang sa kanyang pagpanaw ang Social Communications and Media gayundin ang pagiging media director ng Safeguarding Office ng Novaliches.

Umaasa si Bishop Gaa na gawing huwaran lalo na ng mga kabataan ang mga mabubuting gawain ni Fr. Felloni lalo na ang pagiging misyonero gamit ang iba’t ibang media platforms upang higit na maipakilala si Hesus sa pamayanan.

“Nawa’y magsilbing inspirasyon si Fr. Luciano lalo na tayong nakaranas ng kanyang presensya, tayo na nabiyayaan ng kanyang pagmamahal para sa Diyos at sa simbahan. Hopefully we see new missionaries, missionaries of the gospel, missionaries of the social action, missionaries who would like to make Christ present or presence more intimate for us,” giit ni Bishop Gaa.

Naging tanyag si Fr. Felloni nang bumisita si Pope Francis sa Pilipinas noong 2015 dahil personal nitong kakilala ang santo papa na arsobispo noon sa Argentina, ang lugar kung saan ipinanganak ang cyber missionary priest.

Higit itong nakilala lalo na sa social media nang inilunsad ang Almusalita vlog na naglalaman ng mga pagninilay sa ebanghelyo.

Taong 2017 nang maging bahagi si Fr. Felloni sa Radio Veritas 846 bilang anchor priest sa Friday edition kasama si Angelique Lazo.

Katuwang ni Bishop Gaa sa funeral mass na ginanap sa San Bartolome de Novaliches Parish sina Bishop Emeriti Antonio Tobias at Teodoro Bacani Jr. kasama ang mga pari ng Diocese of Novaliches habang inihimlay ang labi sa clergy plot sa Manila Memorial Park Holy Cross.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 11,690 total views

 11,690 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 28,277 total views

 28,277 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 29,646 total views

 29,646 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 37,195 total views

 37,195 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 42,699 total views

 42,699 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top