22,967 total views
Muling hinihikayat ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission, Inc. (LASAC) ang mananampalataya na suportahan ang inisyatibong pagbabawas ng mga gamit at gawing kapaki-pakinabang sa pamamagitan ng pagbabahagi sa higit na nangangailangan.
Ito ay ang ALWASE o Archdiocese of Lipa’s Way of Almsgiving Towards Sanctification and Evangelization na nagmula sa tradisyong Batangueño na ‘alwas’, nangangahulugang paglilipat at paglilinis ng mga gamit upang mapakinabangan ng iba.
Ang inisyatibo ng social arm ng Arkidiyosesis ng Lipa ay naayon din sa panawagan ngayong Kwaresma upang mag-ayuno, magkawanggawa, at mag-alay kapwa.
Sinabi ni Archbishop Gilbert Garcera sa kanyang liham-sirkular na ang pagpapaubaya sa mga hindi na kailangang ari-arian ay hindi lamang nag-aambag sa kapakanan ng mga nangangailangan, kun’di maging sa kalusugang pangkaisipan ng sarili.
“Participating in ALWASE is an opportunity for us to embody Pope Francis call to “Enlarge the Space of your Tent,” by willingly releasing items we no longer need, we make room for a deeper connection with God, fostering a community marked by compassion, generosity, and the Batangueño spirit of sharing,” saad ni Archbishop Garcera.
Naglabas din ng pastoral exhortation si Archbishop Garcera kaugnay sa programa ng LASAC upang higit na maunawaan at suportahan ang inisyatibong nagpapakita ng Batangueñong pamamaraan ng pag-aalay kapwa.
“Alay Kapwa is no longer just a call for renewal but a spirituality in living our faith as the Church of the Poo. This spirituality led us to be firm in our faith in listening to the voice of God and responding to the cry of the poor,” ayon kay Archbishop Garcera.
Kabilang sa mga gamit na maaaring ipamahagi sa kapwa ay mga tela at damit, mga libro, laruan, furniture o kasangkapan sa tahanan, at food storage containers.
Sa mga nais magbahagi, maaari itong dalhin sa tanggapan ng LASAC sa LAFORCE Building, Marawoy, Lipa City, Batangas o sa mga Ma-lasac-kit Bazaar sa mga parokya at paaralang saklaw ng arkidiyosesis.
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa mga numerong 046-404-8057 local 139 o sa 0968-891-5708.