412 total views
Hinimok ni Kalibo Bishop Jose Corazon Tala-oc ang mananampalataya na makiisa sa Misa De Gallo sa paghahanda ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoong Hesus.
Sa pahayag na inilabas ng diyosesis maari nang isagawa ang Aguiinaldo masses sa mga parokya kaakibat ang mahigpit na pagsunod sa health protocol.
“The Aguinaldo o Simbang Gabi Masses this year 2021 can be celebrated in all parish churches and chapels. However, pertinent health protocols must be strictly observed and proper coordination must be facilitated with the respective LGUs and other concerned agencies,” pahayag ni Bishop Tala-oc.
Paalala ng obispo na pagpaparangal sa Mahal na Birhen ang siyam na araw na misa nobernaryo o Misa de Gallo kaya’t maingat na sundin ang mga alintuntunin ng simbahan hinggil sa pagdiriwang partikular na ang liturguical readings na itinalaga sa mga nabanggit na araw.
Binigyang diin din ng obispo na ang mga misa sa madaling araw mula December 16 hanggang 24 lamang ang makatatanggap ng Papal Indult sapagkat ito ang tradisyong pinanatili ng mga Filipino.
“Only these said Masses are in keeping with the legitimate tradition of the Filipino people. Thus the ‘Misa de Aguinaldo’ held at dawn is the only practice to be encouraged and promoted for the same given reason, that is, for the perseverance of faith,” dagdag ni Bishop Tala-oc.
Gayunpaman binigyang diin ng obispo na ang Simbang Gabi masses mula December 15 hanggang 23 ay pinahihintulutan ng diyosesis kung ito ay may ‘genuine pastoral reason’ subalit iginiit na hindi ito itinataguyod ng diyosesis.
“Simbang Gabi Masses held in the evening should never be an easy substitute for anyone’s convenience,” paliwanag ng obispo.
Kung kinakailangan ang misa nobenaryo sa gabi nararapat sundin ang mga alituntunin sa Misa de Aguinaldo.
Mahigpit na tagubilin ni Bishop Tala-oc sa mga simbahan ng diyosesis na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa mas maayos na pagsasagawa ng Misa de Gallo at matiyak ang kaligtasang pangkalusugan ng mananampalatayang dadalo.
“We encourage the Parish Priests and Parish Team Ministry Moderators to coordinate with their LGU with regard to the schedule of the Simbang Gabi Masses in their respective parishes. Different venues which facilitate social distancing, like public plazas, covered court and the likes, may be utilized to provide extra security and safety for everybody,” giit ni Bishop Tala-oc ang unang linggo ng adbiyento ay panibagong taong liturhiko ng Simbahang Katolika.