Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinimok ng Archdiocese of Manila na makiisa sa “day of prayer and fasting”.

SHARE THE TRUTH

 3,398 total views

Hinimok ng Archdiocese of Manila ang kristiyanong pamayanan na magbuklod sa pananalangin para sa kapayapaan ng mundo.

Ito ang pakikiisa ng arkidiyosesis sa panawagan ng Santo Papa Francisco na ‘day of prayer and fasting’ sa October 27 na layong ipagdasal na mawakasan ang digmaan sa iba’t ibang mga bansa.

“We encourage our communities to organize prayer initiatives for this intention like the Mass for Peace, Adoration of the Blessed Sacrament/Holy Hour, the praying of the holy rosary, or any other celebrations of the Word of God.” bahagi ng pahayag ni Manila Vice Chancellor Carmelo Arada, Jr.

Magbibigay ng liturhiya para sa Eucharistic Adoration for Peace in the Holy Land ang arkidiyosesis na maaring gamitin ng mga parokya at komunidad sa isasagawang pananalangin para sa kapayapaan.

Naunang tiniyak ng Santo Papa Francisco ang pakikiisa at pananalangin sa mga biktima ng digmaan, ang mga nasawi, mga dinukot at lubhang nasugatan na ayon sa datos umabot na sa mahigit 15, 000 katao.

Sa nagpapatuloy na digmaang sumiklab noong October 7 sa pagitan ng Israel at Hamas militant group mahigit 5, 000 na ang nasawi sa magkabilang panig lalo na sa mga Palestinian sa Gaza strip ang sentro ng kaguluhan.

Nanindigan si Pope Francis na kailanman ay hindi matutugunan ng digmaan ang anumang hindi pagkakasundo bagkus ay lalo itong magdulot ng pagkasira at pagkakawatak-watak ng pamayanan.

Nakiusap din ang pinunong pastol kay US President Joe Biden na gumawa ng hakbang upang matulungang maisulong ang kapayapaan sa buong daigdig at matigil ang digmaan sa mga magkatunggaling mga bansa.

Bukod sa Archdiocese of Manila nagpahayag na rin ng pakikiisa ang iba pang arkidiyosesis, diyosesis, at bikaryato tulad ng Lingayen-Dagupan, Malolos, San Carlos – Negros Occidental, Taytay, Palawan gayundin ang Prelatura ng Marawi.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Popular Beyond Reproach

 77,524 total views

 77,524 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »

Impeachment Trial

 87,523 total views

 87,523 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »

Labanan ang structures of sin

 94,535 total views

 94,535 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 103,787 total views

 103,787 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 137,235 total views

 137,235 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
12345
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

123456789101112

Latest Blogs

123456789101112