395 total views
Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bawat mananampalataya na patuloy ipagdiwang ang biyaya ng pananampalataya sa mga Filipino sa pamamagitan ng kawanggawa.
Sa mensahe ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles sa ika-21 CBCP plenary, binigyang diin nitong ang panahon ng pandemya ang pagkakataong higit ipakita at ipadama ang diwa ng pagiging kristiyano sa buong pamayanan.
“The best way to celebrate this Great Jubilee of 500 Years of Christianity is to make our faith shine in deeds of charity and mercy during this opportune time of the pandemic,” mensahe ni Archbishop Valles.
Hinimok ng arsobispo ang mananampalataya na buong pusong ipagdiwang ang ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo batay na rin sa temang ‘Gifted to Give’ sa paksa ng Missio Ad Gentes na pakikiisa sa misyon ni Hesus sa sanlibutan.
Kinilala ni Archbishop Valles ang kakayahan ng mga Filipino na patuloy na ipamalas hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibayong dagat sa pamamagitan ng mga healthcare worker na naglilingkod sa mga may karamdaman lalo na ang nahawaan ng coronavirus.
“Filipino Christians continue to distinguish themselves, both here and abroad, in caring for the sick, burying the dead, and attending to the hungry and the abandoned,” ani ng arsobispo.
Ito ang ikalawang pagkakataon na isinagawa ang CBCP Plenary Assembly online dahil na rin sa mga restrictions bunsod ng COVID-19 pandemic.
Statement:
CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles