15,433 total views
Hinimok ng opisyal ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) ang mga dumalo sa 5th Asian Apostolic Congress on Mercy na patuloy maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon sa kapwa.
Ayon kay WACOM Episcopal Coordinator for Asia, Antipolo Bishop Ruperto Santos dapat isabuhay ng mga deboto ang bawat natutuhan sa congress at ipadama ang habag ng Panginoon sa buong pamayanan.
“Our congress does not stop here; we will continue, we will share, and we will be truly the messengers of mercy,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.
Ikinatuwa ng obispo ang pagiging masigasig ng mahigit 3, 000 deboto ng Divine Mercy na aktibong nakibahagi sa limang araw na mga panayam ng iba’t ibang panauhin.
Umaasa si Bishop Santos na isakatuparan ng mga deboto ang mga bunga ng AACOM lalo na ang mga gawaing kawanggawa sa pamayanan.
“What they have learned, what they have listened to, what they have loved and liked from the speeches, sharings, inputs, and immersions they will apply in reality; there will be works in their hands that they will translate with corporal acts of mercy. We will be his acts of mercy, his spirits of mercy, and will be living mercy to others,” ani Bishop Santos.
Samantala sa homiliya ni Diocese of Prosperidad Bishop-designate Ruben Labajo hinimok nito ang mga deboto na maging ‘mercy-nary’ upang makamit ang tunay na kapayapaan ng sanlibutan.
“May each one of us become not only as ambassadors of the Divine Mercy but eventually be transformed into the image of the messenger to the Divine Mercy. And the image of the Divine Mercy is an image of hope, an image of peace, an image of consolation,” ani Bishop Labajo.
Pinasalamatan naman ni Divine Mercy Philippines National Coordinator Fr. Prospero Tenorio ang Archdiocese of Cebu sa mainit na pagtanggap sa mga delegado ng AACOM kasabay ng panawagan sa mga magulang na paigtingin ang buhay panalanagin sa loob ng pamilya gayundin ang pagpapalakas sa Eukaristiya.
“Prayer especially inside the family is a call na tayong lahat sa pamilya ay sama-samang muli na manalangin especially the Eucharist as a thanksgiving and evangelization, evangelism to call to parents to become evangelizers of God’s mercy,” pahayag ni Fr. Tenorio.
Inanunsyo rin ni Fr. Tenorio ang ikaanim na AACOM na isasagawa sa Singapore. Nagtapos ang 6th day congress sa grand procession tampok ang mga imahe nina St. John Paul II, St. Faustina Kowalska at Divine Mercy habang ang closing mass ay pinangunahan ni Bishop Santos sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu.
Kabilang sa mahigit tatlong libong delegado ang 174 international delegates mula sa Canada, Guam sa Amerika, India, Lithuania, Malaysia, Papua New Guinea, Indonesia, Thailand, at Singapore.