Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging saksi ni Kristo

SHARE THE TRUTH

 10,144 total views

Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na maging kasangkapan sa pagpapadaloy ng biyaya at pagpapatotoo kay Kristo.

Sa pagninilay para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal nitong Hulyo 9, hinimok ni Cardinal Advincula ang bawat isa na tularan si San Juan Bautista na walang alinlangang ibinahagi at pinadaloy ang biyaya upang mailapit sa mga tao ang pag-ibig at pagpapala ni Kristo.

“Padaluyin natin ang gawa, ang awa, at pagmamahal ng Diyos sa isa’t isa. Sa halip na maging ganid at madamot, maging daan nawa tayo upang umagos ang biyaya mula sa Diyos patungo sa ating kapwa. Ihatid natin ang biyaya at pagmamahal ni Kristo sa bawat isa, maging daan tayo ng pagpapadaloy ng biyaya,” pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ibinahagi ng kardinal na bukod sa pagiging mag-pinsan, ipinakita rin ni San Juan Bautista ang pagiging tunay na kaibigan kay Hesus sa pamamagitan ng kapakumbabaang pagpapahayag ng katotohanang hindi siya ang mesiyas, kundi ang Panginoong Hesukristo.

Ipinaliwanag ni Cardinal Advincula na kahanga-hanga ang katangian ni San Juan Bautista dahil sa kabila ng katanyagan at kagalingan, tapat pa rin nitong ginampanan ang misyong ipakilala at ilapit sa mga mananampalataya ang Panginoon.

“Mga kapatid, maging kaibigan nawa tayo ni Hesus. Katulad ni San Juan, magpatotoo tayo sa liwanag, magpatotoo tayo sa tunay na mesiyas, magpatotoo tayo kay Hesus. Pagpapadaloy ng biyaya at pagpapatotoo kay Hesus—ito ang mga biyayang hihilingin natin sa Diyos dito sa ating basilika ni San Juan Bautista sa Taytay. Nawa’y ipagkaloob sa atin ito ng Panginoon,” ayon kay Cardinal Advincula.

Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang banal na misa at maringal na pagtatalaga sa ika-23 Minor Basilica sa Pilipinas at kauna-unahan sa Diyosesis ng Antipolo at lalawigan ng Rizal, katuwang sina Antipolo Bishop Ruperto Santos at Basilica Rector, Fr. Pedrito Noel Rabonza III.

Saksi naman sa pagdiriwang sina Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco; Antipolo Bishops emeriti Francisco de Leon at Gabriel Perez; Catholic Bishops’ Conference of the Philippines vice president, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara; iba pang arsobispo at obispo sa Pilipinas; mga pari ng Diyosesis ng Antipolo at mga karatig na diyosesis; at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Antipolo at lalawigan ng Rizal.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Paghuhugas-kamay

 20,041 total views

 20,041 total views Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo tungkol sa pagpapakasakit ni Hesus, maaalala ninyong nagpakuha ng tubig si Poncio Pilato, ang gobernador ng Roma, at naghugas ng kamay sa harap ng mga tao. “Wala akong pananagutan sa dugo ng taong ito,” wika niya. Wala na raw siyang magagawa sa kagustuhan ng mga taong patawan ng parusang

Read More »

Diwa ng EDSA

 28,449 total views

 28,449 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 76 milyong Pilipino ang bumubuo sa tinatawag na voting population o mga nasa tamang edad na para makaboto. Sa bilang na ito, kulang-kulang 70 milyon ang registered voters. Pinakamarami ang mula sa mga batang henerasyon gaya ng mga Millennials at Generation Z; 63% o anim sa bawat sampung

Read More »

Hindi nakakatawa

 35,691 total views

 35,691 total views Mga Kapanalig, mababasa natin ang paalalang ito sa Tito 2:7-8: “Sa lahat ng paraan, maging halimbawa ka ng mabuting ugali at maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo. Nararapat na pananalita ang lagi mong gamitin upang hindi mapintasan ninuman ang mga sinasabi mo.” Hindi tumatatak ang mga salitang ito kay dating Pangulong

Read More »

Be Done Forthwith

 51,060 total views

 51,060 total views Kapanalig, ito ang binibigyan-diin ng Article XI, Section 3, paragraph 4 ng 1987 constitution na kautusan sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso o Senado sa aksyon sa isang impeachment case na ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso o Kamara. Malinaw na kapag natanggap ng Senado ang verified complaint o impeachment resolution na inihain

Read More »

Sino Ang Nagsi-Sinungaling

 59,305 total views

 59,305 total views Sa ating bansa, usong-uso ang price hike… lahat na lamang ng pangunahing bilihin at serbisyo publiko., tumataas ang halaga o presyo. Ang sagot nating mga Pilipino, maghigpit ng sinturon. Paano naman Kapanalig kung wala kang pambili? Nagdeklara na ang Department of Agriculture ng national food security emergency. Katwiran ng DA, upang matugunan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga kandidato, pinaalalahanan ng EcoWaste

 720 total views

 720 total views Pinaalalahanan ng environmental watchdog group EcoWaste Coalition ang mga kandidato sa pagka-senador at partylist groups na huwag maglagay ng campaign materials sa mga poste ng ilaw at kuryente, puno, at iba pang ipinagbabawal na lugar. Ayon sa grupo, kabi-kabila pa rin ang ilegal na paglalagay ng mga campaign tarpaulin, lalo na sa mga

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Gawing health behavior ang regular check-up, panawagan ng CBCP sa mamamayan

 999 total views

 999 total views Hinikayat ng Health Ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na regular na magpakonsulta sa doktor upang matiyak ang kalusugan at maiwasan ang iba’t ibang karamdaman. Kaugnay ito ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng atake sa puso sa bansa, na madalas humahantong sa kamatayan. Ayon kay Camillian

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

QC ordinance laban sa mercury products, pinuri EcoWaste

 1,597 total views

 1,597 total views Pinuri ng EcoWaste Coalition ang Quezon City Government sa pagsisikap nitong protektahan ang mamamayan, lalo na ang kababaihan at mga bata, mula sa panganib ng mercury sa kalusugan at kapaligiran. Sinusuportahan ng grupo ang Executive Order ni Mayor Joy Belmonte na nagpapatibay sa pagbabawal ng mga pampagandang produkto na may mercury, na nilagdaan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Environmental group, nakikiisa sa paggunita ng Edsa People Power anniversary

 1,973 total views

 1,973 total views Nakikiisa ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Ayon sa ATM, kaakibat ng pagdiriwang ng kasarinlan ng bansa mula sa diktadurya ay ang pagpapahayag ng patuloy na paninindigan sa pagtatanggol ng karapatan at kalayaan, gayundin sa pagsusulong ng mga adhikain ng mga

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Search and destroy sa pinamumugaran ng lamok, iminungkahi ng CBCP-ECHC

 2,484 total views

 2,484 total views Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Healthcare (CBCP-ECHC) ang kahalagahan ng pagpapataas ng kamalayan ng publiko upang labanan ang dengue. Ayon kay CBCP-ECHC Executive Secretary, Camillian Fr. Dan Cancino, taun-taon ay nagdudulot ng pangamba ang pagtaas ng kaso ng dengue sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sinabi

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Sama-samang pananalangin sa kagalingan ni Pope Francis, isasagawa ng Archdiocese of Lipa

 4,004 total views

 4,004 total views Hinikayat ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera ang mga mananampalataya na makiisa sa pananalangin para sa agarang paggaling ng Kanyang Kabanalan Francisco. Sa inilabas na liham-sirkular, nanawagan si Archbishop Garcera sa mga pari, relihiyoso, at mga layko na mag-alay ng Banal na Misa, panalangin ng Santo Rosaryo, at mga personal na panalangin upang makamit

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Misa para sa kagalingan ni Pope Francis, pinangunahan ni Cardinal David

 4,354 total views

 4,354 total views Pinangunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang Banal na Misa upang hilingin ang kagalingan ni Pope Francis. Ginanap ang pagdiriwang nitong February 20, sa Cathedral Parish of San Roque, ang patron ng mga may karamdaman at nagdurusa, sa Caloocan City. Tugon ito ni

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Tumutulong sa charity patients, pinasasalamatan ng UP-PGH Chaplain

 4,762 total views

 4,762 total views Nagpasalamat ang head chaplain ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) sa mga patuloy na nagbibigay ng tulong para sa mga charity patients ng ospital. Ayon kay Jesuit priest Fr. Marlito Ocon, biyaya mula sa Diyos ang mga donasyon mula sa mga may mabubuting puso, na nagiging daan upang mapabuti ang serbisyo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Alyansa Tigil Mina, Kinondena ang Pagpapalawig ng FTAA para sa Tampakan Mining Project

 5,227 total views

 5,227 total views Mariing kinondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang pagpapalawig ng Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) para sa Tampakan copper-gold mining project ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI), na kanilang tinawag na isang mapanganib na precedent sa sektor ng pagmimina. Ayon kay Rene Pamplona, chairperson ng ATM at Convergence of Initiatives for Environmental Justice

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

CBCP-ECHC, nakikiisa sa panalangin sa agarang paggaling ni Pope Francis

 4,523 total views

 4,523 total views Nakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Healthcare (CBCP-ECHC) sa panalangin para sa agarang paggaling ni Pope Francis. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary at Camillian priest na si Fr. Dan Cancino, tulad ng karaniwang tao, ang Santo Papa ay nagkakasakit din ngunit patuloy siyang nagiging inspirasyon, lalo na sa mga

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

P400-milyong bawas sa alokasyon sa mga katutubo, kinundena

 5,301 total views

 5,301 total views Mariing kinondena ni Franciscan priest, Fr. Angel Cortez, co-executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), ang P400-milyong bawas sa alokasyon para sa mga katutubo. Ayon kay Fr. Cortez, ito’y isang malaking kahibangan, lalo’t ang mga katutubo ang itinuturing na likas na tagapangalaga ng kalikasan. Aniya, napakalaking halaga ng pondo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagpapalaya sa Magsasaka Partylist nominee, apela ng ATM sa PNP

 5,652 total views

 5,652 total views Umaapela ang Alyansa Tigil Mina sa mga kinauukulan sa agarang pagpapalaya kay Magsasaka Partylist nominee Lejun dela Cruz. Kilala si Dela Cruz bilang lider ng mga manggagawa at magsasaka, tagapagtanggol ng mga nasa laylayan at karapatang pantao, kabilang ang pagtutol sa mapaminsalang malawakang pagmimina. Gayunman, si Dela Cruz ay sinasabing biktima ng tangkang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Malawakang pagpuputol ng INC ng mga puno sa Brooke’s Point, kinundena

 6,855 total views

 6,855 total views Nagpahayag ng saloobin si Brooke’s Point, Palawan Vice Mayor Mary Jean Feliciano kaugnay sa mapaminsalang epekto ng pagmimina sa lugar. Ayon kay Feliciano, mahigit 28,000 libong indigenous at endemic na puno ang pinagpuputol upang bigyang-daan ang large scale mining operations sa Barangay Maasin, Brooke’s Point. Si Feliciano, na dating alkalde ng Brooke’s Point,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Prayer and action is prayer in action

 7,464 total views

 7,464 total views Iginiit ng head chaplain ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) ang mahalagang ugnayan ng pananalangin at pagkilos na humahantong sa makabuluhang gawain para sa kapwa. Ayon kay Jesuit priest Fr. Marlito Ocon, ang panalangin ay hindi lamang nakatuon sa paghingi o pasasalamat, kundi dapat magsilbing gabay at lakas upang kumilos sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Gawing bahay ng pag-asa ang lipunan, paalala sa simbahan ng World Day of the Sick

 7,150 total views

 7,150 total views Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang lahat na patuloy na yakapin ang mahabaging pag-ibig ng Diyos. Ito ang mensahe ni Camillian priest, Fr. Dan Cancino, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Healthcare, para sa ika-33 World Day of the Sick na kasabay ng Kapistahan ng Mahal na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top