5,069 total views
Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na makiisa sa Walk for Life: Walk for Hope 2025.
Ayon sa arsobispo mahalaga ang pagbubuklod ng mamamayan lalo ngayong taon sa diwa ng Jubilee Year na may temang Pilgrims of Hope upang higit na maisulong sa lipunan ang pagtataguyod ng buhay.
Batid ni Cardinal Advincula ang iba’t ibang hamong kinakaharap ng pamayanan hinggil sa kasagraduhan ng buhay kaya’t bilang kristiyano ay nararapat lamang na manindigan sa biyaya ng buhay na ipinagkaloob ng Panginoon.
“As we constantly face numerous threats on the family and life, especially concerning social policies and models, this Jubilee Year is an opportune time to confirm our commitment as pilgrims of hope advocating the sanctity and importance of life from conception to natural death,” paanyaya ni Cardinal Advincula.
Isasagawa ang Walk for Life: Walk for Hope sa February 23, araw ng Linggo, na magsisimula ang pagtitipon sa Lawn C o Flower Park area ng Rizal Park (Luneta) malapit sa Maria Orosa Street sa alas kuwatro ng madaling araw.
Sa diwa ng pag-asa, panalangin at pagsasakripisyo ay sama-samang maglalakad ang mga lalahok patungong Minor Basilica and Metropolitan Cathedral o Manila Cathedral kung saan isasagawa ang maiksing programa.
Tampok sa programa ang mga panayam nina kontra aborsyon advocate Benita Javier, Prolife Dr. Ryan Capitulo, at Human Life Intenartional Philippine Country Director Dr. Rene Bullecer.
“Through this initiative, our celebration of the Jubilee Year finds a deeper sense and conviction on our journey of hope together as pilgrim people. I invite all parishes and communities, especially our ministries and organizations on family and life, to organize representation for this event,” ani Cardinal Advincula.
Pangungunahan ni Cardinal Advincula ang banal na misa sa alas 6:30 ng umaga kasama si Dipolog Bishop Severo Caermare ang kasalukuyang chairperson ng CBCP Commission on the Laity, Commission on Family and LIfe Chairperson, Paranaque Bishop Jesse Mercado, iba pang mga obispo at pari ng iba’t ibang diyosesis.
Katuwang ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa Walk for Life ngayong taon ang CBCP Episcopal Commissions on the Laity and Family and Life at ang Office for the Promotion of the New Evangelization ng Archdiocese of Manila.
Matutunghayan ang Walk for Life sa Radio Veritas 846, DZRV 846 Facebook page at Veritas TV Sky Cable 211 mula alas kuwatro ng madaling araw hanggang alas otso ng umaga.
Para sa karagdagang detalye maaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod Walk for Life Facebook Page, mag-email sa [email protected], o magparehistro sa Link for Registration