30,821 total views
Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na iwaksi ang materyalismo at pagiging makamundo.
Sa pagninilay ng arsobispo sa pagdiriwang ng simbahan sa World Day of Prayer for Peace kasabay ng Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos binigyang diin nitong ang pagkaalipin ng tao sa sarili ay kadalasang nagdudulot ng tunggalian at pagkakawatak-watak ng pamayanan.
Binigyang diin ng cardinal na kaakibat ng pagsilang ni Hesus na nagdala ng kapayapaan sa daigdig ay nagpapalaya sa bawat isa mula sa anumang pagkaalipin.
“Let us not be slaves to anger, hatred, indifference, envy, jealousy, wars, selfishness, greed, and the promotion of one’s interest. These should not have any place in our lives. We should not allow these things to enslave us and rob us of peace. We are no longer slaves but children of God,” ayon kay Cardinal Advincula.
Hiling ng cardinal ang panalangin para sa natatanging intensyong magkaroon ng kapayapaan sa mga lugar na may digmaan tulad ng Ukraine, Russia, Israel, Palestine at iba pang mga bansa na umiiral ang civil war.
Sa 57th World Day of Peace itinuon ni Pope Francis ang tema sa ‘Artificial Intelligence and Peace’ kung saan tinalakay ang mabilis na pag-unlad ng agham at teknolohiya gayundin ang kaakibat na panganib nito sa pamayanan.
Batid ng santo papa na bagamat may magagandang hatid ang AI sa lipunan ikinalungkot naman nito ang mapanamantalang paggamit ng iilan para isulong ang personal na interes tulad ng paglikha ng mga sandatang makasisira ng buhay at pamayanan.
Samantala iginiit naman ni Cardinal Advincula na upang maging mabunga ang bagong taong 2024 hingin ang paggabay sa Mahal na Ina tungo sa kanyang anak na si Hesus ang prinsepe ng kapayapaan.
“To be happy this new year we have to live in peace which only the Lord can give,” giit ni Cardinal Advincula.