2,031 total views
Hinimok ng Santo Papa Francisco ang bawat mananampalataya na patuloy idulog sa Panginoon ang kapayapaan sa buong mundo.
Ito ang pagninilay ng santo papa sa katatapos na World Youth Day kung saan ikinalugod ang pagsamasama ng mga kabataan para sa iisang hangaring maglakbay sa landas ni Hesus.
“In a world torn by poverty, injustice and war, we joined in prayer for the spread of the Gospel, the conversion of hearts, and the healing and peace that the Lord alone can give.” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Inilarawan ng pinunong pastol ng mahigit isang bilyong katoliko na ang pagbubuklod ng mga kabataan sa Lisbon Portugal ay pagpapakita ng pagiging isa ng simbahang itinatag ni Kristo bagamat ito ay nagmumula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Ibinahagi ni Pope Francis na sa kanyang pagdalaw sa Fatima muli nitong itinalaga ang sarili at ang buong mundo sa Kalinis-linisang puso ni Maria kasabay ang kahilingang mamagitan sa mga lugar na laganap ang karahasan tulad ng Russia at Ukraine upang mamayani ang diwa ng kapayapaang hatid ng kanyang Anak na si Hesus.
“May this great outpouring of spiritual joy and love for Christ that marked these days foster an abundance of vocations and serve as a leaven of hope for the future of Portugal, the Church and our world.” dagdag ng Santo Papa.
Una nang hinimok ng santo papa ang mga kabataang delegado ng WYD 2023 na patuloy magbuklod sa paglalakabay at manalangin sa Diyos para sa pagkakaisa ng mundo at makamit ang kapayapaan sa buong pamayanan.