402 total views
Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa siyam na araw na paghahanda sa pagtatalaga kay Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula bilang ika- 33 arsobispo ng arkidiyosesis.
Sa pastoral instruction na ‘Your servant is listening’ ni Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo hinati sa tatlong bahagi ang gagawing novena mula Hunyo 15 hanggang 23.
Una rito ang pananalangin “Let us spend these days listening to God in prayer. In our Masses during the novena, we will use special Mass formularies in line with the theme for the day” bahagi ng pastoral instruction ni Bishop Pabillo.
Dadasalin ang ‘Panalangin ng pasasalamat sa biyaya ng bagong arsobispo’ pagkatapos ng panalangin sa pakikinabang habang hinimok ang 86 na parokya ng arkidiyosesis na magsagawa ng pagtatanod sa Banal na Sakramento.
“On the evening of June 23, we encourage all parishes and communities to spend an hour of prayer before the Blessed Sacrament and pray together for Cardinal Advincula,” ani ng obispo.
Ikalawang bahagi ang katesismo kung saan mahalagang pakinggan ang mga turo ng simbahan at pagnilayan ang tungkulin ng pinunong pastol ng arkidiyosesis at mga impormasyon hinggil sa Arkidiyosesis ng Maynila.
Ikatlo ang patuloy na kawanggawa sa pamamagitan ng paglingap sa mga nangangailangan lalo’t higit ang labis naapektuhan ng pandemya.
“We ask all parishes to dedicate some days during the novena to organize activities that would promote charity and generosity, like feeding programs, distributing of food bags or gift certificates. Caritas Manila will distribute gift certificates for 50,000 families (worth PhP 50 M) to the parishes. Let this be a gift of Cardinal Advincula to our needy brethren in the Archdiocese,” saad pa sa pastoral instruction.
Naglabas din ang arkidiyosesis ng gabay at paksa sa bawat araw ng novena upang sundin ng mga pari ng mga parokya at ang kopya ng panalangin sa pasasalamat para sa bagong arsobispo na mamumuno sa mahigit tatlong milyong katoliko mula sa mga lunsod ng Manila, Makati, Mandaluyong, Pasay at San Juan.
Nagpasalamat din si Bishop Pabillo sa mga pari at layko na naging katuwang sa mahigit isang taong paninilbihan bilang obispong tagapangasiwa ng arkidiyosesis lalo na sa gitna ng naranasang krisis pangkalusugan.
“I take this opportunity to thank all of you, especially our priests and lay leaders, for your collaboration and support during the 16 months that I was tasked to administer the Archdiocese. Through prayer and hard work, we were able to carry out the Lord’s mission, especially during this challenging time of the Covid-19 pandemic. With the coming of our new Archbishop, let us pledge to him our filial obedience and love,” saad ni Bishop Pabillo.
Nakatakda sa Hunyo 24, 2021 ang pagtatalaga kay Cardinal Advincula kasabay ng kapanganakan ni San Juan Bautista at pagdiriwang sa ika – 450 anibersaryo ng pagkatatag ng lungsod ng Maynila at pagtalagang unang parokya ng Manila Cathedral.
Bilang pagsunod sa safety protocol limitado lamang sa ilang indibidwal ang pinahintulutang makadalo sa pagtatalaga kaya’t hinikayat ang mananampalataya na subaybayan sa TV Maria, Radio Veritas 846, The Manila Cathedral, Archdiocesan Office for Communications at mga social media pages ng mga parokya ng arkidiyosesis para sa buong pagdiriwang.