23,778 total views
Umaasa ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity sa aktibong pakikibahagi ng mga laiko sa nakatakdang Conference on Prayer ng Ecclesiastical Province of Manila.
Tinagurian ang nasabing Conference on Prayer na Araw ng mga Layko Buklod Panalangin: Bukal ng Pag-asa na nakatakda sa ika-31 ng Agosto, 2024 sa Sta. Rosa Sports Complex, Sta. Rosa City.
Inaasahang magsisilbing pangunahing tagapagsalita sa gawain si CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na siya ring nagsisilbing Apostolic Administrator ng Diocese of San Pablo.
“Responding to the call of the Holy Father, in union with the whole Church, and for our spiritual preparation for the great Jubilee, the Sangguniang Laiko ng Pilipinas, Ecclesiastical Province of Manila, in partnership with the Diocese of San Pablo, Diocesan Council of the Laity, is inviting everyone to a prayer convention “Buklod Panalangin: Bukal ng Pag-asa” with Bishop Mylo Hubert C. Vergara, D.D. as the main speaker.” Bahagi ng paanyaya ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.
Ayon sa Sangguniang Laiko ng Pilipinas, layuning ng nakatakdang Conference on Prayer na ihanda ang bawat mananampalataya para sa idineklara ni Pope Francis na Jubilee Year 2025 kung saan una na niyang idineklara ang taong 2024 bilang Year of Prayer.
Kabilang sa mga makikibahagi sa pagtitipon ang mga layko mula sa Ecclesiastical Province of Manila na kinabibilangan ng mga layko mula sa Diocesan Council of the Laity ng Arkidiyosesis ng Maynila, at mga Diyosesis ng Pasig, Antipolo, Cubao, Novaliches, Parañaque, Imus, Kalookan, Malolos, at Apostolic Vicariate of Taytay Palawan at Puerto Princesa.