Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

SHARE THE TRUTH

 18,025 total views

Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM).

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan.

To hope is to believe in something good. But to believe and to have hope is to make something or someone the foundation of hope. To us, little that we are, our very important source of hope is God,” pahayag ni Archbishop Palma sa isinagawang press conference kaugnay sa AACOM.

Isasagawa ang AACOM sa October 14 hanggang 19, 2024 sa IC3 Pavilion sa Cebu City kung saan tampok ang mga panayam na ibabahagi ng mga piling speakers sa bansa at ibayong dagat.

Ibinahagi ni 5th AACOM secretary-general Fr. Mhar Vincent Balili na ilan sa mga magbibigay ng panayam sa anim na araw na pagtitipon sa temang ‘Divine Mercy: Pilgrimage of Hope in Asia’ sina Malolos Bishop Dennis Villarojo, San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda, Fr. Chris Alar, MIC, Fr. Patrice Chocholski, Fr. Kazimierz Chwalek, at maging si dating Supreme Court Justice Hilario Davide.

Ikinalugod ni Archbishop Palma ang pagpili sa Cebu na maging tagapangasiwa sa malalaking gawain lalo’t ito ang tinaguriang ‘Cradle of Christianity in Southeast Asia’ kung saan unang ibinahagi ang pananampalatayang kristiyano noong 1521 nang dumating ang mga dayuhang misyonero.

Sinabi ng arsobispo na ito ay isang paraan ng patuloy na paglilingkod sa kristiyanong pamayanan at pagsasabuhay sa tema ng 500 Years of Christianity na ‘Gifted to Give’.

Kabilang sa mga tampok na gawain sa ikalimang AACOM ang opening mass sa alas kuwatro ng hapon ng October 14 na bukas sa publiko sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang foot procession sa alas tres ng madaling araw ng October 19 mula sa harapan ng Cebu Provincial Capitol na susundan ng closing mass sa alas sais ng umaga sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu.

“AACOM is a gathering that aims to deepen the faithful’s understanding of the profound truth of God’s mercy and to promote the theme of mercy in the context of their region,” ani ng arkidiyosesis.

Isinasagawa ang AACOM tuwing ikatlong taon kung saan taong 2009 nang una itong isinagawa sa Manila sa temang Mercy, the Face of the Son of Man in Asia, 2012 sa Thailand sa temang Mercy, Compassion, a Way of Life Among the People of Asia, 2015 sa Medan Indonesia sa temang Jesus Christ the Mercy of God: The Way of Reconciliation in Asia, at huli itong ginanap noong 2018 sa Penang, Malaysia, sa temang ‘Experiencing Mercy through the Joy of the Gospel in Asia.’

Bunsod ng COVID-19 pandemic naantala ang ikalimang AACOM na unang itinakda noong 2021 kasabay ng pagdiriwang sa ika – 500 ng kristiyanismo ng Pilipinas.

Sa mga nagnanais dumalo sa 5th AACOM makipag-ugnayan lamang kina Rev. Fr. Andrei Ventanilla: +639438494111, Kathrina Buletin: +639957662168, Jinnie Pahuriray: +639562718128 para sa karagdagang detalye.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 2,822 total views

 2,822 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 9,945 total views

 9,945 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 17,148 total views

 17,148 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 22,502 total views

 22,502 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 30,108 total views

 30,108 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ng Obispo sa “deep fake” product endorsement online

 651 total views

 651 total views Binalaan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang publiko hinggil sa kumakalat na product endorsement online gamit ang kanyang pangalan. Hiniling ng obispo sa mamamayan na magkaisang i-report ang mga naturang social media account na nagtataglay ng mga deep fake created video materials upang makaiwas sa scam ang mamamayan. “Please be aware that I

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakapatiran, panawagan ni Pope Francis sa Indonesians

 707 total views

 707 total views Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mamamayan ng Indonesia na patuloy itaguyod ang pagkakapatiran sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mamamayan. Tinuran ng santo papa ang kristiyanong arkitekto na nagdisenyo sa Istiqlal Mosque na tanda ng pagiging lugar ng pag-uusap ang mga bahay dalanginan. Binigyang diin ni Pope Francis ang pagiging ‘diverse’ng Indonesia na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Lingkod ng simbahan sa Indonesia, hinimok ng Santo Papa na paigtingin ang paglingap sa kapwa

 1,729 total views

 1,729 total views Hinikayat ni Pope Francis ang mga lingkod ng simbahan sa Indonesia na paigtingin ang misyong paglingap sa kawan maging ng mga hindi binyagan. Ito ang pahayag ng santo papa sa pakipagpulong sa mga pari, obispo, madre at mga relihiyoso sa rehiyon sa nagpapatuloy na Apostolic Journey sa Indonesia. Binigyang diin ni Pope Francis

Read More »
Cultural
Norman Dequia

I am very grateful to all the catechists: they are good.

 1,806 total views

 1,806 total views I am very grateful to all the catechists: they are good. Ito ang mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang pagkilala sa mga katekista na katuwang ng simbahan sa pagmimisyon. Sa pakikipagpulong ni Pope Francis sa mga lingkod ng simbahan sa Indonesia na ginanap sa Cathedral of Our Lady of the Assumption binigyang pugay

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok na ipanalangin ang proseso para sa pagkilala ng simbahan bilang banal kay Servant of God Ka Luring

 2,514 total views

 2,514 total views Humiling ng panalangin ang postulator ng Cause of Beatification and Canonization of Servant of God Laureana ‘Ka Luring’ Franco kasabay ng pagsisimula ng diocesan inquiry. Sa panayam ng Radio Veritas kay Dr. Erickson Javier, Doctor of Ministry nilinaw nitong walang takdang panahon ang sinusunod sa proseso ng pagiging banal ni Ka Luring sapagkat

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Tulungan ang mga apektado ng bagyong Enteng, panawagan ni Bishop Santos

 2,713 total views

 2,713 total views Ipinapanalangin ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage ang katatagan ng mamamayan sa gitna ng kinakaharap na hamon bunsod ng kalamidad. Dalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kasalukuyang parish priest ng international shrine ang katatagan ng mga biktima ng malawakang pagbahang dulot ng Bagyong Enteng at Habagat lalo

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Faith, fraternity at compassion, pasisiglahin sa Apostolic journey ng Santo Papa sa Indonesia

 3,398 total views

 3,398 total views Kasalukuyang nasa Indonesia ang Kanyang Kabanalan Francisco sa pagsisimula ng kanyang ika – 45 Apostolic Journey. Dumating ang santo papa sa Jakarta Soekarno-Hatta International Airport lulan ng papal flight ng ITA-Airways kasama ang ilang mamamahayag. Kabilang sa delegasyon si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Antique, nagluluksa sa pagpanaw ng Obispo

 3,447 total views

 3,447 total views Humiling ng panalangin ang Diocese of San Jose de Antique para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Bishop Emeritus Raul Martirez. Sa pabatid ni Antique Bishop Marvyn Maceda pumanaw si Bishop Martirez nitong September 2 pasado alas onse ng gabi sa edad na 86 na taong gulang. Si Bishop Martirez ay naordinahang pari noong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pope Francis, muling umapela sa ‘world leaders’ na tapusin na ang umiiral na karahasan

 3,998 total views

 3,998 total views Muling umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa world leaders kabilang na ang mga magkatunggaling mga bansa na wakasan ang anumang karahasang nagdudulot ng kahirapan sa mundo. Ayon sa santo papa dapat patuloy na isulong ang pakikipag-ugnayan ng bawat bansa para sa interes ng nakararami gayundin ang pagpapalaya sa mga dinukot na indibidwal lalo

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagiging product endorser, itinanggi ni Cardinal Tagle

 8,745 total views

 8,745 total views Yung mga endorsement na iyon ay fake. Ito ang babala sa publiko ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle kaugnay sa laganap na advertisement online gamit ang pagkakilanlan ng cardinal. Binigyang diin ng opisyal na kailanman ay hindi ito nag-iendorso ng mga produkto kaya’t dapat na mag-ingat ang mamamayan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Empowerment sa mga layko, isasakatuparan ni Bishop Gaa

 8,891 total views

 8,891 total views Pinasalamatan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga pari at layko ng diyosesis sa patuloy na pakikilakbay sa kanyang pagpapastol sa nakalipas na kalahating dekada. Ito ang mensahe ng obispo sa kanyang pastoral visit on the air sa programang Barangay Simbayanan sa Radio Veritas kung saan tinalakay ang kanyang paninilbihan sa diyosesis sa

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ng Bohol Bishops na aktibong makilahok sa 2025 midterm elections

 10,767 total views

 10,767 total views Pinaalalahanan ng mga obispo ng Bohol ang nasasakupang mamamayan sa pakikilahok at pakikiisa sa pagsusulong ng ikabubuti ng lipunan lalo na sa pagpili ng mga lider sa nalalapit na 2025 midterm elections. Sa liham pastoral nina Tagbilaran Bishop Alberto Uy at Talibon Bishop Daniel Patrick Parcon, iginiit na ang pagboto ay hindi lamang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Tunay na kristiyano, hinamon na manindigan laban sa divorce

 9,731 total views

 9,731 total views Muling iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Office on Stewardship na mahalagang pangalagaan ang pamilya at pagtibayin ang pagsasama ng mga mag-asawa sa halip na sisirain. Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng tanggapan sa kabila ng mga pagtuligsa ng mga sang-ayon sa diborsyo ay dapat na manindigan ang

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Maging kalinga ng kapwa, hamon ni Cardinal Tagle

 11,726 total views

 11,726 total views Maging daan ng aliw, pagdamay at kalinga ni Hesus at ng Mahal na Birheng Maria sa kapwa. Ito ang hamon ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle sa mamamayan sa misang pinangunahan sa Mary Comforter of the Afflicted Parish (MCAP) sa Maricaban, Pasay City sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Tularan ang gawain ng mga misyunerong santo, paalala ni Cardinal Advincula

 11,042 total views

 11,042 total views Patuloy na hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging instrumento upang maakay ang kapwa tungo kay Hesus. Sa pagdiriwang ng kapistahan ni Apostol San Bartolome sinabi ng cardinal na dapat tularan ng mga kristiyano ang gawain ng mga misyonero na himukin at ipakilala sa mamamayan si Hesus

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top