402 total views
Inaanyayahan ng Claretian Missionaries at Claretian Communications Foundation ang mananampalataya na makiisa sa gaganaping Word Conference 2022.
Tema sa pagtitipon ngayong taon ang ‘Touch the Word: “If I just touch His clothing.” hango sa ebanghelyo ni San Marcos chapter three verse 28.
Layunin nitong palawakin ang pagmimisyon sa pamamagitan ng pagpapahayag sa Mabuting Balita ng Panginoon na pinagmulan ng buhay.
“In this Word Conference, we reflect on the inspiring lives of women in the bible whose faith is so great that even the smallest encounter of the Word is enough to change their lives – to touch their lives,” ayon sa pahayag ng Claretian Missionaries.
Suportado rin ang gawain ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Biblical Apostolate.
Gaganapin ang WordCon sa November 30, 2022 mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon sa Auditorium ng Claret School of Quezon City.
Isasagawa ito sa pamamagitan ng hybrid o face to face at online bilang pagtalima pa rin sa mga safety protocols hinggil sa COVID-19 pandemic.
Ang WordCon ay inisyatibo ng Bible Commission ng Claretian Missionaries of the Philippines bilang tagapagtaguyod ng mga salita ng Diyos sa iba’t ibang komunidad sa bansa.
Sa mga nais dumalo maaring makipag-ugnayan kay Analyn Dayandante sa [email protected] o tumawag sa 8921-3984 local 103 para sa karagdagang detalye.