27,562 total views
Muling isasagawa ng Claretian Missionaries – Fr. Rhoel Gallardo Province at Claretian Communications Foundation ang ikaanim na Word Conference.
Tema ng WordCon ngayong taon ang ‘The Word of God: A fountain of water in a dry land springing up to eternal life’ na hango sa ebanghelyo ni San Juan kabanata apat talata 12.
Isasagawa ito sa November 27 mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon sa Claret School Auditorium sa Diliman, Quezon City.
Kabilang sa mga magbibigay ng panayam sina Vincentian Fr. Rex Fortes na tatalakay sa paksang ‘Engaging Synodal Path: Create in me a clean heart, and renew a steadfast spirit within me; si Rogationist Fr. Edilberto Cepe naman sa paksang ‘The road to Emmaus: Walking together on the synod on synodality; Sr. Maria Anicia, RVM sa paksang ‘The Synodal Church and the gospels; at Claretian Fr. Jose Cristo Rey Paredes sa paksang ‘ Mary, Mother of the Church, Journeying with us in the synodal path.
Isasagawa ang WordCon sa hybrid setup kung saan may registration fee na 650-piso sa mga dadalo ng pisikal at 500-piso naman sa mga dadalo online sa pamamagitan ng zoom livestreaming.
Suportado rin ang gawain ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Biblical Apostolate.
Sa mga nais dumalo maaring makipag-ugnayan kay Analyn Dayandante sa [email protected] o tumawag sa 8921-3984 local 103 para sa karagdagang detalye.