2,500 total views
Inaanyayahan ng Cofradia dela Virgen dela Soledad de Porta Vaga ang mga mananampalataya na bisitahin ang replikang larawan ng Mahal na Birhen ng Soledad de Porta Vaga sa himpilan ng Radio Veritas na magtatagal hanggang Linggo August 13, 2023.
Hinihimok din ng Radio Veritas ang mga may suliranin na idulog sa mahal na birhen ng Soledad de Porta Vaga upang magkaroon ng kaganaan at paghilom ang nararanasang pasakit sa buhay at pamilya.
“Halina na po, atin pong bisitahin ang Mahal na Birhen ng Soledad ng Porta Vaga dito po sa chapel po ng Radio Veritas ngayon kung kayo po ay may mga suliranin o mga gustong idulog sa Mahal na Birhen na kumbaga sa tulong ng Mahal na Birhen tayoy ay ipapamagitan niya sa Panginoon, lumapit lang tayo sa kaniya upang lahat po ng ating mga problema sa buhay ay magkaroon ng kagaana.” pahayhag ni Ameer Olimpo, miyembro ng Cofradia dela Virgen dela Soledad de Porta Vaga sa panayam ng Radio Veritas.
Inihayag ni Olimpo na inaasahan ng kanilang samahan na sa pamamagitan ng pagbisita ng imahen sa ibat-ibang lugar at simbahan ay mapapalalim ang pagdedebosyon ng mga mananampalataya sa mapaghimalang imahen ng Mahal na Birhen ng Soledad de Porta Vaga.
Taong 1667 ng magpakita ang Mahal na Birheng Maria sa isang Kastila sa pintuan ng Porta Vaga kung saan kinaumagahan ay natagpuan ang larawan ng Mahal na Birhen na lumulutang sa baybayin ng Canacao Cavite City.