2,254 total views
Ibabahagi sa gaganaping 6th Family and Life Conference ng Archdiocese of Manila ang mga paksang tinalakay sa 10th World Meeting of Families noong Hunyo.
Ayon kay Fr. Joel Jason, commissioner ng RCAM-Commission on Family and Life (CFL), ang gaganaping CFL Conference ay magandang pagkakataon upang maibahagi sa mananampalataya ang mga aral at pagsubok na kinakaharap ng bawat pamilya sa lipunan.
Sinabi ng pari na bilang pangunahing bahagi ng lipunan, ang pagkakaroon ng maayos na pamilya ay mahalaga upang maitaguyod ang maunlad at matiwasay na pakikipag-ugnayan sa pamayanan at simbahan.
“Kung inyo pong maaalala noong nakaraang June 22-26 2022 ay nagkaroon po ng 10th World Meeting of Families na ginawa po sa Rome, Italy. Kami po ay umattend doon at ito pong conference natin tomorrow will be a celebration. A re-echoing and representation of the learnings and the challenges na tinanggap natin sa 10th World Meeting of Families.” pahayag ni Fr. Jason sa panayam ng Radio Veritas.
Tema ng 6th Family and Life Conference ang “What’s forever for? The Family: Called, Celebrated, Commissioned” na gaganapin bukas, November 26, 2022 mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-singko ng hapon sa Saint Cecilia Theatre, St. Scholastica’s College, Malate, Manila.
Katuwang ng RCAM-CFL sa gaganaping conference ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Family and Life National Capital Region-Central Luzon at Couples for Christ.
Bahagi ng programa ang banal na pagdiriwang na pangungunahan ni CBCP-ECFL NCR-Central Luzon Bishop-in-charge Antipolo Auxiliary Bishop Nolly Buco, at susundan ng welcome remarks mula sa pangulo ng St. Scholastica’s College na si Sr. Christine Pinto, OSB at keynote address mula kay Fr. Jason.
Samantala, kabilang sa mga magbabahagi sa panel discussion si The Feast SM Manila Builder Dr. Ryan Capitulo; National Shrine of St. Michael the Archangel CFL Parish Couple Coordinator Bro. Ignacio at Sis. Marlyn Angeles; at Alliance for the Family Foundation, Inc. vice president for Legislative Affairs Atty. Joel Arzaga.
Magsisilbi namang moderators sa panel discussion ang chairman ng Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association – Commission on Curriculum Instruction and Assessment Fr. Nolan Que, at ang TV Host at anchor ng Barangay Simbayanan program ng Radio Veritas, Ms. Angelique Lazo.
Isasagawa rin ang plenary talk na pangungunahan naman ni Couples for Christ International Council member Bro. Rabboni Francis Arjonillo