414 total views
Nagpapasalamat si Cebu Archbishop Jose Palma sa maigting na debosyon ng mananampalataya sa papalapit na kapistahan ng Señor Santo Niño sa January 16.
Una na ring nagpalabas ng panuntunan ang arkidiyosesis kaugnay sa pagbabago ng pagdiriwang dahil na rin sa banta ng Covid 19.
‘Let us continue to support one another on our road to recovery from typhoon Odette and Covid 19, in God’s grace,’ ayon kay Archbishop Palma.
Ang novena masses ay ginaganap sa basilica ng Santo Niño de Cebu na may limitading bilang ng kongregasyon.
Habang hinihikayat din ng arkidiyosesis ng Cebu ang bawat parokya na magdiwang ng misa para sa kapistahan ng Santo Nino upang mabawasan ang maramihang pagtitipon sa basilica at para na rin sa kaligtasan ng mga deboto.
‘Thank you for your devotion. Let us trust God despite of Covid.’
Nawa ayon sa arsobispo ay patuloy ang debosyon ng manampalataya sa Panginoon sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng Covid 19 at sa katatapos lamang na bagyong Odette na nananalasa sa bansa kabilang na sa lalawigan ng Cebu.
una na ring nagpahatid ng isang milyong piso halaga ng tulong ang Caritas Manila para sa mga nasalanta ng bagyo sa lalawigan.
Nawa ay ipananalangin ng bawat isa ang paghihilom at kaligtasan lalo na sa patuloy na pagtaas ng kaso ng nahahawaan dahil sa omicron variant ng Covid 19.
Gayundin ayon sa arsobispo ang pagbangon ng mga nasalanta ng bagyong Odette noong Disyembre.